65. Pumapag-ibig nga naman...

531 16 0
                                    

65. Pumapag-ibig nga naman...

YLLEINA'S POV

"Hooooooy, POGI! Kausapin mo nga ako!" nakakainis naman tong si Gian e. Bigla nalang hindi mamamansin. Punta-punta pa dito hindi naman pala ako kakausapin.

"Huh? May naririnig ba ako? May mumu ata dito e." Abnormal lang? Uupakan ko tong dinedema ako e!

"Gian~ Uuuuuy! Nakakainis ka naman talaga oh!"

"Psh! Kausapin mo na nga yan Gian ang ingay e... hindi kami makapag-enjoy dito e." sabat ni Ashley na busy sa pakikipagkulitan kay Pau.

Azar! Halos lahat sila nag-eenjoy sa kani-kanilang oras sa mga pag-ibig nila. Samantalang ako hindi man lang ako magka-moment dito kay Gian.

"Huuuuuuy~ Ano bang problema?" tapos tinatapik-tapik ko na siya wala pa siyang ginagawa. I hate the way he's ignoring me... mukha na nga akong nge-nge dito oh! T3T

"Konting effort naman kasi... alam mo yun, Pau... yung feeling na dinayo mo pa yung taong minamahal mo dito... tapos pagdating mo may iba palang gugulo sa inyo... nakakaasar lang diba Gorge?"

Ay badtrip! Kinakausap na nga yung mga lalaki... pinaparinggan pa ako.

"Si Buknoy ba? Wala naman yun e. Bakit ka nagseselos? Feeling mo naman papatol ako dun... kahit sinong lalaki pa ang iharap sa akin ngayon... wala akong paki! Okay~" tapos nag-cross arms na ako. Nakakatampo naman kasi talaga e.

"Oy, si Baekhyun ba yun?" sigaw ni Kimmy.

"Gawsh! Si... DO! Kyungsoo-yah~" si Ashley naman.

"SAAN?" Nanlaki mga mata ko e, "Saan? Saan? Wala namang balita na pupunta sila ng Philippines!" maktol ko.

"Tss." napatingin ako kay Gian na nakangisi, "Kahit sino palang lalaki ah... tapos pinagpapalit mo ko sa mga yun? Yung mga Koreanong yun? Tss!"

"Hoy! Hindi na! Iba sila... iba ikaw. Sige... Sige... Mapapalingon nila ang mga mata ko pero... pero hindi ang puso ko. Ikaw lang naman laman neto e."

Nakatingin lang sa akin si Gian tapos unti-unti ngumiti siya.

"Oo na... alam ko naman yun e." tapos niyakap niya ako, "Alam ko namang... PATAY NA PATAY ka sakin!"

Sa gulat ko e natulak ko siya ng bongga.

"Aray ko~ Ang sakit mo pala magmahal!"

"E ikaw kasi e... umandar na naman yang kayabangan mo. Ano'ng patay na patay? Kadiri ka Gian ah!"

E kasi naman e, nakakaasar kasing mang-inis. Ngumisi lang siya sa akin.

"Ano okay na tayo?" tanong niya sa akin.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now