60. Just Ordinary Day!

533 11 2
                                    

60. Just Ordinary Day!

"Princess, andyan na yung magaling na lalaki sa labas!" sigaw ni Papa nasa kwarto kasi ako nag-aayos.

Hahahaha! Hindi na talaga nagkasundo ang dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko. Ay, si Papa lang pala ang may problema.

Bumaba na ako at niready ko na ang pinakamagandang ngiti ko para sa umagang ito. Alam na! Buhay na naman ang diwa ko kasi andyan na naman siya.

"AEIN~" ayan na! Tinawag na niya ako.

"Jagiyaaaaaaa~" yayakapin sana namin ang isa't isa kaso...

"Ehem!" andito nga pala si Papa.

Ylleina, behave! Later na ang yakap kay Gian. Huehuehue.

"Kumain ka muna Ylleina, at ikaw dito ka ba kakain?" ang taray na naman ni Papa.

"Hindi na p--"

"Halika na sabayan mo kami."

Hinila ko na siya sa mesa, joketime na naman kasi tong si Papa e. Tinatakot ung mahal ko. Hayahay! Kenekelegs ako.

Wala ng nagawa si Papa at sumunod na din kumakain kami ng tahimik ng biglang magsalita si Papa.

"Kelan Christmas Vacation niyo?"

Oo nga pala may vacation na... kaso mauuna yung sembreak diba?

"Wala pang anouncement pa pero magssembreak na next week."

Tahimik lang ulit.

Naalala ko pag araw pala ng mga patay may multo... joke! Seryoso na, umuwi kami ng province. Dun kasi ung puntod ng mga magulang ni Papa e.

No Gian for sembreak. Ang sad naman. Kaya kailangan sulitin na ito. Tapos natataon pa na fiest din dun, mataon kaya ulit ngayon?

After naming kumain na si Gian pa ang naghuhas, mapilit e. Dumiretso na kami sa school.

"Umaalis kayo kapag sembreak no?" tanong ni Gian.

Umuoo lang ako at medo malungkot nga kasi next week na yun.

"Ayos lang yun. Next week pa naman e... atsaka at least alam ko kung saan ka pupunta."

Napangiti ako. Lakas makaramdam talaga netong lalaking to.

*

Nang nasa school na kami normal naman ang nangyayari dito sa school. Nagkukulitan kaming magbabarkada. Inaasar kasi namin si Kimmy at Gorge. Tho, wala si Gorge at Pau, may klase pa sila e.

"Hayieeeee. KIMORGE! (KI-MORGH)" sabi ni Ashley.

"Kadiri naman yung name. Ambaho hahahaha." sabi ko, "E kanila Ash naman... PAUASH (PA-WASH) Parang sa car wash lang, PAUASH nga po!"

Tapos palakasan ng tawa. Hagalpak e!

"Yabang neto, GILLEINA kase e!" sabi ni Kimmy.

"Wala! Malakas e! Pero alam nyo Kim, bagay talaga kayo ni Gorge. Una palang kahit nung bago palang natin siyang friend nararamdaman ko na kayo e..." sabi ni Ashley na kinikilig talaga.

Namumula naman si Kimmy.

"Nililigawan ka na niya?" tanong ko.

Umiling lang si Kimmy pero nagpipigil tumili.

"Malapit na siguro..." sabi ni Ashley.

"Ako talaga topic?" angal ni Kimmy.

"Sawa na kasi ako kay Ylleina e, lumalovelife na e." sani naman ni Ashley at nagtawanan na kami ulit.

"E kamusta kayo ni Pau?" tanong ko.

Natigilan si Ashley.

"Wala. Walang ganap. Hindi pa pwede... ayaw naman ata." mapakla yung pagkakasabi niya.

"Bakit? Kala ko okay kayo..." tanong namin.

"Akala ko din e." tapos ayun dumating na si Gian na may dalang meryenda.

Wala na kasi halos pumasok na teacher sa klase e, may general meeting daw.

*

Nung uwian, tumambay muna kami ni Gian sa garden. Maaga pa kasi e.

"Jagiya, natanong mo ba si Pau kung kamusta sila ni Ashley?"

May pagtataka sa mukha ni Gian pero sumagot padin siya.

"Hindi e. Pero tingin ko nga di sila ayos." hindi na sa akin nakatingin si Gian.

"Bakit? Okay naman sila kahapon ah." naalarma ako.

"Sssh." niyakap ako ni Gian, "Malalaki na yung mga yun. Let's enjoy our you-and-me-time."

At naghintay kaming magpagabi dun.

*****

Sabaw! E sorry naman! Update na lang ulit mamaya.

Magtatalong taon na pala to no? Kailangan ko ng tapusin. Handa na ba kayo sa ending? Yung Part 3 nito ay hindi ko isasama dito. Life after school na kasi yun ni Ylleina at ng barkada!

Kung interesado kayo sa KIMORGE at PAUASH e maglalagay ako ng side story nila hiwalay dito kasi GILLEINA talaga ang focus ng book na ito.

Ayun lamang. Salamat sa mga walang sawang nagbabasa, nagvvote at mga di nagccomment. Parang kaya namang magccomment e, o sadyang nasumpa ako sa mga silent readers? Nyehehehe. Anyways mahal ko parin kayo.

~JCforever♥

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now