63. ISANG MALAKING SUPRESA! :D

538 20 5
                                    

63. ISANG MALAKING SUPRESA! :D

 

 

Ylleina’s POV

 

 

Pag naalimpungatan ka daw ng alas-tres ng madaling araw… meron daw nakatitig sayo.

Peste talaga! Nakaaasar talaga yang Psychological Fact na yan! Sino namang tititig sayo ng alas-tres ng madalign araw.

Ang lakas maka-Emily Rose at Conjuring neto ah? -________-##

Gising ang diwa ko. Pero hindi ko kayan dumilat. Badtrip! Naalimpungatan kasi ako e. Hindi ko naman sure kung alas-tres nga pero kasi… alam ko madaling-araw palang.

*TIK TAK TOK*

May malaki kaming relos dito sa bahay namin sa province, Grandfather’s clock. Yung ganun. Tumutunog yun kada-isang oras. So therefore, I conclude 3am nga.

Malakas talaga ang pakiramdam ko na may nakatitig sa akin. Shemay! Kinikilabutan akoooooooo!

Masyadong mabigat ang aura… nakakapangilabot talaga.

*SWISH SWISH*

Nako! Nakalimutan ko pa atang isarado ang bintana. Umihip ang malakas na hangin. Nakonamanpotalagaoh! Nakakatakot talaga! WAAAAAAAAAAAA! Hindi mo kakayanin!

Naramdaman ko na para pang may umupo sa gilid ng higaan ko. Babangon o babangon? Waaaa! Ayoko talaga! Baka bigla akong makakita ng nakakatakot ng nilalang.

Hanggang sa may humawak ng mukha ko…

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Napabangon ko pero nakapikit padin, “LUMAYO KA! WAAAA! ASWANG! ASWANG! DI AKO MASARAP! WAAAAAH! MARAMI PA AKONG PANGARAP! PAPAKASALAN KO PA—“

“Pffft!” may narinig akong gumanyan.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. At nakita ko siya.

Sa puntong to, hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi naman pala siya aswang, o maaasar ako kasi pinipigilan niyang tumawa, o mahihiya ako kasi nakita niya akong nag-aabnormal na naman, o maiiyak kasi yung taong namimiss ko ngayon… nasa harapan ko na!

“WALANGYA KA GIANCARLO S. MONTEMAYOR!” tapos binato ko siya ng yakap-yakap kong unan.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now