27. Paano kung last na to?

837 12 0
                                    

27. Paano kung last na to?

Ngiting tagumpay tong gwapong to! Kainis.

"Thank You." sabi niya sa akin. Nakita ko sa mga mata niya na may halong saya at lungkot... lungkot? Bakit kaya?

"Why? Dahil nagtagumpay ka at nakapaglakwatsa tayo...?" tanong ko.

"No. Thank You for being a part of my life. Thank You for being there, kahit parang wala lang. Thank You kasi nakahanap ako ng kaibigan sayo."

Kaibigan. Ouch. MInsan na nga lang tong magddrama, babanggitin pa ang salitang kaibigan. Na-FRIENDZONE na talaga ako. La na to.

"Ano ka ba? Ganun talaga... k-Kaibigan e." hashtag fake smile.

Naglalakad kami sa kahabaan ng mall. Nandito na pala kami, nag-taxi kami papunta at dahil makapangyarihan siya... nakapasok kami kahit oras ng klase.

"DQ ulet tayo? Namiss ko na ung DQ Session natin e." tapos hinawakan niya yung kamay ko... siguro naman kasi dahil kaibigan niya ako diba? E yung kiss sa cheeks, dahil ba kaibigan niya lang din ako?

Gusto kong malaman... gusto kong marinig sa kanya mismo kaso--

"Tulala ka na naman? Iniisip mo ba kung paano ka makakapasok bukas?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman. Wala yun." ngumiti lang ako, "Gian?"

Tumingin lang siya sa akin...

"About sa nangyari nung isang araw... what was that about?" pinakawalan ko ang tanong na talagang umaalipin sa utak ko netong mg nakaraang araw.

Ngumiti siya.

"A, yun ba? Yung beso? E, magkaibigan tayo diba... atsaka niloloko lang kita kasi lakas ng abog mong sabihing crush kita no! HAHAHA!"

Badtrip! FRIENDZONE na, HAHAZONED pa! -__________- BIGTE!

"Bakit mo natanong?" tinatanong niya ako ng may napakainoseteneng mukha.

Napatulala lang ako saglit at sinabi ko ang natural lie natin pagdating sa ganyan, WALA LANG.

And then a moment of silence...

"Ylleina, paano kung last na to?"

*****

6PM na when I got home. Mas tulala ako ngayon kesa nung bago nangyari ang lahat. Yung napag-usapan namin sa DQ, parang hindi lang siya "naisip na topic" like what he had said, parang matagal na niyang gustong itanong yun...

"Ylleina, paano kung last na to?"

Napatingin ako sa kanya...

"Panong last?"

Tumingin siya sa akin,

"Paano kung last na tong pagkikita natin? Paano kung hindi mo nako makita ulit? Paano kung mawala ako... Paano?" sunud-sunod na mga tanong niya yan sa akin... ni hindi ko nagawang sagutin ng totoong sagot.

Ang tanging nasabi ko lang ay... "JOKE BA YAN?"

Napahinto siya saglit at ngumisi.

"OO. Joke lang yun. Wag mo ng isipin yun." Ngumiti siya pero batid ko na may mabigat siyang dinadala ng mga panahong yun, parang nagpapaalam siya... parang magkakatotoo.

Natapos ang pag-uusap namin sa ganun. HIndi ko na inungkat kung ano ba talaga ang totoo. SUmakay ako ng Joke lang lahat. Pero parang nakakaramdam ako ng kalungkutan... parang nakaramdam ako ng iiwanan ako?

Sana hindi talaga totoo yun... sana po nasa isip niya lang yun... sana bukas magkita kami ulit. Sana... Sana malaman niya na na mahal ko siya.

Pano nga kung last na to?

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now