73. Unexplainable.

432 14 0
                                    

73. Unexplainable.

Ylleina's POV

"Happy Birthday Pau-Pau!"

Nagsisigaw kami sa Videoke Haus na nirentahan namin para sa celebration ng Birthday ni Pau. Medyo awkward nga lang dahil nasa hospital pa si Jagiya kaso mahirap naman kung pare-pareho lang din kaming manlulumo diba?

"Sayang wala si G." sabi ni Kimmy na halata mo ring nag-alala kay Jagiya.

"Oo nga e, bakit kasi hindi nalang dun tayo nag-celebrate, e!"

"Paboo!" sigaw ni Pau kay Ashley.

"Ako pabo? Adik ka!" sabat naamn ni Ashley.

"Hindi yun! Meaning ang shunga mo! Alangan dun tayo mag-celebrate e bawal ngang mapagod yugn tao. Edi nainggit yun? Sige, mag-videoke tayo sa hospital... pwede siguro yun!" sabi ni Pau.

"Pero buti pinayagan ka na mag-celebrate kasama kami no?" tanong ko.

"Oo e, syempre may social life din naman ako. Atsaka hindi naman pwedeng ma-deprive sa akin yung araw na ito. Okay lang naman sa kanila... nakasama naman nila ako kanina e." sagot ni Pau. Gabi na rin kasi kami umalis para mag-celebrate.

"Andae mong alam!" sabi ni Ashley.

"Dahil sayo!" sabi naman ni Pau.

Haaay! Push ang Pull relationship talaga sila! :3 Nakakainggit naman silang apat masasaya tapos ako mag-isa lang, grabe namang kalungkutan to oh!

"Hoooooy! Ayan, magkakapikunan na naman kayo diyan. Mabuti pa kantahan mo na lang Ash si Pau para naman mainlove yan sayo ng todo. HAHAHA! Wala ka bang hinandang supresa sa kanya?" sabi naman ni Gorge.

Umismid lang si Ashley sabay tingin samin, "Ayoko nga. Wala akong hinanda diyan... mamaya mahimatay pa yan e. Gastos na naman!"

"Hoy! Grabe ka pano ako mahihimatay e wala naman akong sa--" hindi itinuloy ni Pau ang sinasabi niya, "Ah... sige na kumanta ka nalang... pramis hindi ako mahihimatay!"

Namula naman si Ashley at tinakpan ang mukha niya. Nagsimula na ang kantiyawan at inabutan na rin siya ng mic ni Gorge. Natatawa ako sa reaksyon ng mukha niya pero naalala ko na naman yung hindi naituloy ni Pau na sasabihin. Ayoko namang i-ruin ang moment nila kaya mamaya ko nalang siguro ito itatanong.

Habang kumakanta si Ashley e tinutulak siya kay Pau. Kinikilig naman ang buong barkada dahil si Pau halata mong kahit naasar siya minsan kay Ashley e natutuwa naman siya... hindi ko nga alam kumbakit hindi pa maging sila e. Kami na ni Gian at sila Kimmy at Gorge na, sila na lang yung wala pang usad ang lovelife e.

Matapos ang kanta ni Ashley ay nagsimula na ang mag-intrigahan sa barkada.

"So, kelan ba kasi magiging kayo talaga PAUASH?" tanong ni Kimmy.

"Hindi ako ang dapat sumagot niyan!" depensa naman ni Ashley na halata mo ring dinadalangin na ang pagdating ng araw na iyon.

"Oo nga, ano... kailan ba brad? Hindi ka man lang ba tinatamaan ng charm ng babaeng yan!" sabi naman ni Gorge.

"Makababae ka naman!" sabi ni Ashley.

"Babae ka kaya!" sabi ni Gorge.

"Kdot!" At nagtawanan kaming lahat pero natapos din yun dahil hinihintay nga namin si Pau.

"Nakanux! Nahhotseat ako! Birthday ko naman diba? PASS!" sabay tawa niya pero hindi natawa si Ashley, more on nadismaya siya sa isinagot ni Pau.

"Uy, joke lang!" biglang bawi naman ni Pau, "Ang akin lang... ayoko munang ligawan si Ashley dahil naghihintay pa ako ng tamang panahon. Alam niyo naman, baka pag niligawan niya ako isang minuto lang um-oo na agad mahir--ARAY! Nakakasakit ka ah!"

Bigla kasing binatukan ni Ashley ang mahangin na si Pau... kung ako din naman ang ganunin baka hindi na makauwi ng buhay tong Montemayor na to e. Alam niyo naman... hahaha! :3 Nasa dugo nga ata nila yan. Tss.

"Ang kapal mo! Tandaan mo yan, paghihirapan mo ko! Once na marealize mo!"

"Wag kang mag-alala hindi ko marerealize yun. HAHAHA!"

At nagkulitan na ng bongga ang barkada. Naiisip ko na naman kung ano naman ang ginagawa ni Gian sa ngayon.

Pag-uwi ko ng bahay, dumiretso agad ako ng kwarto ko. Iniisip ko yung mga pangako sa akin ni Gian. Hobby ko na yun simula ng umalis at bumalik siya... ang natutuwa lang ako sa pangyayari e, sa tuwing aalis siya... bumabalik naman siya. Kaya kampante ako na pagkatapos niyang ma-discharge siya hospital ay babalik na kami ulit sa dati.

Kaya hahayaan ko muna siya. Hindi na din muna ako mangungulit. Tatlong araw lang naman e. Buti nga at nagbigay ng pag-asa si Tita na after 3 days okay na ulit kami ni Gian. Nakapagpahinga na yun for sure. At sa pagbalik niya magiging masaya kami ulit. <3

Magtitiis ako hanggang sa makabalik siya! <3

*****

Hi Guys! :3

Enjoying this story?! Thank you so much sa pagsuporta kahit napakamoody writer ko! Wuhahahaha! At kahit napaka-cliff hanger ko! :(( Ganun po talaga. Salamat talaga!

Anyways, I just want to recommend to you my friend, @Go_Ah_Ra and her stories! Basahin niyo din, alam kong marami sa atin ang makakarelate nito. Hihihi! <3 "SOPHOMORES" here's the link http://www.wattpad.com/story/24711394-sophomores and "TWO HEARTS THAT BEAT AS ONE" here's the link http://www.wattpad.com/story/22468560-two-hearts-that-beat-as-one-thtbao :3 <3 



Halina't kiligin! <3

~JCforever <3

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now