87. Colors ad Promises...

405 9 0
                                    

87. Colors ad Promises...

Ylleina's POV

"Okay na Dangshin, hinahanap ka nga niya e." kausap ko sa kabilang linya si Pau. Hindi na talaga matanggal yung 'Dangshin' na yun.

"Akyat na kayo sa rooftop ah? All set na e!" sabi ko naman. Mababakas mo sa boses ko na kinakabahan talaga ako ngayon.

Pareho na naming in-off ang phone namin. Nag-ikot-ikot ako dito sa rooftop na inayos namin baka sakaling may problema pa.

"Wala na po, Madam!" sabi ni Kimmy sa akin at patakbong inabot ang gitara ko.

"Sana hindi siya mahimatay sa kilig, ano?" loko naman ni Ashley.

"Kinakabahan ka? Ang lamig mo." sabi naman ni Kimmy ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Medyo." sagot ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko e. Sa tana ng buhay ko ngayon ko lang to gagawin. Duh? First love nga e, syempre first!

"Talagang ginamitan pa namin ng charm yung buong klase para lang dito." sabi ni Ashley.

Inayos kasi yung rooftop ng hospital sa kung papaano inayos yung school nung naging head ako ng isang event sa school. At kung nahulaan niyo... tama,

MARRIAGE BOOTH ang ginawa namin ngayon.

Okay, we're only 16 years old to be exact... Not of legal age to be married and to raise a family. Pero wala e, eto lang yung naisip kong paraan ng pagsusurpresa ko sa kanya.

Tutal naudlot naman iyon e nung ginawa niya sa akin, see Chapter 38.

Nakasuot ako ng puting damit at hawak ko na ang blue kon gitara. In any moment darating na ang prinsipe ko.

Tumayo na kami sa kanya-kanyang position namin. At natatawa pa nga ako dahil nagmamadali pa si Pau na tumayo sa harapan ko... siya nga pala yung ministro kuno na magkakasal sa amin.

"Asan siya?" tanong ko kay Pau.

"Akay-akay nila Gorge. Magbilang ka ng 1-5 andyan na siya."

Kinabahan ako ngunit nagsimula akong magbilang. Narinig ko naman yung intro ng kakantahin ko ngayon kaya mas lalo akong kinabahan.

At nakita ko siya... yung mukhang naguguluhan at hinahanap niya ako.

The day we met
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my

Nakita niya ako at ngumiti siya. Tumango naman ako para bigyan siya ng signal na lumapit sa akin.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now