14. So what's next?

969 15 2
                                    

14. So what's next?

Maaga akong nagising dahil pupunta pa ako sa pagawaan ng keychain malapit sa school.

"Oh? Di ka muna kakain Princess?" tawag sa akin ni Papa.

"Di po muna, Pa... Si Mama?"

As usual nasa work. Hihihi. Si Papa kasi iba ang shift sa work kaya flexible kami laging nagkikita.

"Nasa work na e. Oh, ingat ka ah. Baka may mambully na naman sayo... iwasan na ang mga gate ng gym para uwian hah!"

Ngumiti lang ako at kiniss ko yung pisngi niya.

Pagdating ko sa pagawaan ng keychain pinakita ko agad dun sa lalaki yung picture namin ni Percy... susunod na yung picture namin ni Gian! Hihihi!

At mga ilang minuto lang, nasa akin na agad yung keychain. Sinabit ko agad sa cellphone ko at sinuksok naman ito sa palda ko. Kewl! HAHA!

Habang naglalakad ang saya-saya ko lalo na yung inaalala ko yung mga nangyari kahapon hihhi! Oo nga pala! Sa mga nagtatanong kahapon wala talaga kaming klase kasi nga Teacher's Day. HIHIHI!

Para sa amin PERFECT DATE DAY! Chos.

Eto na nasa loob na ako ng school nakakaramdam ako ng mga masasayang pangyayari.

Malamang magpapakita sa akin yun si Giancarlo, natatawa nga ako dun e. Alam niya kung anong oras ang klase ko... alam niya yung schedule ko, samantalang ako hindi ko man lang alam yung sched niya. Wiws. Whatever.

Nilibot ko ang buong school, maaga pa naman mga 1 hour pa akong maghihintay para sa 2st subject ko, aba't wala pa siya? -.-

Hintay-hintay din pag may time... Hmmm.

Nang nasa klase na kami, palinga-linga ako sa paligid baka naman andyan na or something. BV yun ah? -___________-#

Matext na nga...

"Gian. asan ka? Kanina pa--"

Natigilan ako... binura ko ung text ko at tinago ang cellphone, bahala siya kung ayaw niyang magpakita. Peste! >,,,,,,<

"Oh girl? What the face?" sabi sa akin ni Kimmy na kadarating lang,

"Wala..." Hmmm. Wala ako sa mood ngayon.

"Wala. Adik. Try mo kayang tumingin sa salamin... teka, patext nga?"

Tapos inabot ko sa kanyay yung cp ko.

"OMO! ANg kyuuuuuuuuuuuuuut! Sino nagbigay sayo kay Percy?"

Napatingin naman ako sa kanya, naalala ko... dun ko pala sinabit sa fone ko yung keychain.

"Ah, e... wala... nevermind!"

"ASUS! Sa akin ka pa ba magtatago? Cmon!"

"OO NGA SAMIN PA???" bumungad naman si Ashley sa eksena.

At pinilit ako ng 2.

"LIfesize teddy bear! Sosyal!" tuwang tuwa si Ashley.

Hmmmm.

"Kay Giancarlo."

"Omo? Kay Gian! Waaaaaaaaaaaah! Bet ka talaga nun!" sabi ni Kimmy.

"Tse. Adik lang yun..." matamlay padin ako.

"So, kaya ka nag-e-emo dyan dahil wlaa si Giancarlo? Ang arte te? HAHAHA! Gf ang peg?" sabi naman ni Ashley.

"So tell us... what happened?" nagpapakwento sila.

Kinuwento ko naman yung mga nangyari... hihi.

"Talaga? Taray ah! Date agad?" sabi ni Ashley.

"E ngayon nga wala na e... Badtrip!"

"Sus! Wait lang din naman... ano birthday mo lagi? Lagi kang happy? HAHAHA!" sabi ni Kimmy.

At natapos na naman ang araw na ito na hindi ko siya nakita buong araw... tsss! Ano ba yan?

Tell me. what's next? -_____________-

*****

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now