56. In between...

556 10 0
                                    

56. In between...

That was the last time I saw him.

Ewan ko ba kung nagkakataon lang o talagang nasasadya na e. After ng first date namin e hindi ko siya nakita ng ilang araw tapos eto ulit. Tatlong araw na but wala paring sign na andito siya.

"Nag-away ba kayo ni Gian?" tanong sa akin ni Ashley na bothered din, mas bothered pa nga siya sa akin e.

"Hindi no. Nagdate pa kami! Ipapakita ko pa nga na dala ko si Twosome e."

Si twosome yung stuffed toy na pangalawa daw naming anak ni Gian.

"Si Paulo kasi di ko din nakikita. I'm so worried na e!"

Hindi rin pala nagpapakita si Paulo? Asan kaya yung dalawang yun?

"Hindi ko macontact yung dalawa..." sabat naman ni Kimmy na kanina pa tumatawag sa fone.

Ang sweet naman. ♥

"Hayaan niyo na muna... okay lang ako."

"Anong okay ka lang, e di ka nga nagkakakain at pinaglalaruan mo pa ang pagkain mo. Aware ka bang may mga taong nagugutom?" sabi naman ni Ashley.

"Hindi naman sila mabubusog pag kumain ako." pamimilosopo ko.

"Halata pa na hindi ka nakakatulog. Mugto ang mga mata kakaiyak. Girl, wala ka bang tiwala kay Gian?" sabi ni Kimmy.

Wala ba akong tiwala? May dahilan ba ako para magmukmok?

Sabi niya kasi he will prove every moment na mahal niya ako. Isa ba to sa mga proof niya?

"Gurl, wala ka bang maalala na mga patutsada niya sayo? Mga hint man lang na mawawala siya panandalian... baka kasi alam mo na nay something na pala." si Kimmy ulit ang nagsalita.

Bigla kong naisip... meron nga ba?

What was his last words nga?

"The hardest word to say is goodbye. Nalulungkot ako kasi magkakahiwalay na naman tayo... Itanan na kaya kita?"

Then clicked! Yun nga!

"Sabi niya mahirap daw sabihin ung goodbye. Malungkot daw siya kasi nagkakahiwalay kami..."

Napatingin naman ang dalawa sa akin na gulat na gulat sa nangyari.

"ANO? ANONG SINABI MO? SLOW KA TALAGA!" sinigawan na ako ni Ashley.

"E, akala ko naman kasi arte niya lang yun... e diba nga mahilig gunanun yun? Akala ko goodbye kasi hinatid niya ako..."

Peri narealize ko din na ang slow ko nga. Sobra. Bakit di ko agad napansin? Bakit di ko agad nalaman?

Iiwan na ba talaga ako ni Gian?

Then suddenly those unfaithful tears starting to fall from my eyes again. It can't stop right now.

"Uy be, wag ka namang umiyak agad." comfort ni Ashley.

"Sinigawan mo kasi e badtrip ka! Be, alam mo bahay nila diba? puntahan nalang natin siya!" sabi naman ni Kimmy.

Pero wala ni isa man sa kanila ang nakapagpagaan ng puso ko. Masakit pa din e.

*

After ng klase namin naglakad ako papunta sa bahay nila. Kaso wala naman akong lakas ng loob pumasok sa loob dahil narin sa hindi pa nga kami pormal na pinakilala ni Gian dyan. Ang hirap namang sumugod diyan at sabihing gf ng anak nila no?

Anong gagawin ko?

I'n really caught in between. Inisio ko na sana bukas pumasok na siya na okay na siya wala kasi akong makitang rason kumbakit hindi siya pumapasok e.

Nagtatampo ako peri handa kong kalimutan yun malaman ko lang na okay siya. Sana okay lang talaga siya.

Pag-uwi, kailangan pa akong magkunwari na kausap ko si Gian sa fone para di mapansin kumbakit di siya napapadaan sa bahay.

Good thing, di naman nagtatanong ang mga magulang ko.

Pinilit kong maging masaya nung araw na yun kahit durog na durog na talaga ako.

Gian, bumalik ka na please?

*****

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now