Author's Love Letter. ♥

779 14 15
                                    

 -----------♥  

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagbabasa ng kwentong ito. We've been together for Two Years. Grabe! Ganung na pala to katagal. Anyways, nato-touch ako kasi sa totoo langg hindi ko talaga alam na may magbabasa pala nito at may makakaappreciate. Pansin niyo naman ang dalang kong mag-update noon kasi wala naman akong nakikitang pag-usad sa mga readers. Pero kung kailan naman ako sumuko ay dun naman kayo dumating *cries*

Nakakaiyak lang po talaga! Malaking bagay na para sa akin na simpleng manunulat lang na makaabot ng 17,990 ang reader nito. May 314 na votes at 81 na comments.  Sobra po akong nata-touch... ang babaw ng kaligayahan ko no?

Hindi ko talaga ini-expect ang lahat. Paulit-ulit, ako? 

Tbh, I'm not good in ending stories. Yung sa AY nga diba bitin... ewan ko ba, parang ang lungkot-lungkot ko lang pag i-e-end na yung story. Gusto ko Happy lang walang ending! Kaso hindi naman pwede yun... kasi kahit ako na reader at watcher (taga-nood) gusto ko may ending naman yung pinapanood ko para di siya nakakaurat diba.

Salamat sa pagtitiyaga sa kwentong ito. Yung mga silent reader dyan pero nasa Library yung story ko, Sa Reading List may mga humahabol pa... nakakaiyak lang yun! Kahit napakamoody kong writer... (alam niyo yan!) ay nakakapagtiyaga parin kayo sa akin. Sa mga sabaw na chapter... at mga roller coaster na chapter... yung masaya tapos malungkot tapos masaya tapos mapapatay niyo na naman ako like chapter... mga ganun?

But you stayed... yiheee. Para kayong si YLLEINA! ♥ 

Sa pagsuporta niyo sa GILLEINA ♥  Grabe talaga! Pasensiya na kung hindi sila nagkatuluyan ah! Wala bang nagka-hint nung Simula palang? Ganun po talaga ang plot nito e. Lakas maka-TFIOS pero nauna ako dun ah! :p

Salamat sa mga kung maka-vote wala ng bukas. Yun talaga nagmmotivate sa akin e, kapag sunud-sunod yung vote. Grabe. Para akong may utang sa kanila na dapat kong bayaran.

Sa mga nagccomment. Grabe po. Kahit maikli lang yun. Keribumbum, teh!

Salamat po ng marami! Saranghaeyo~♥  

May aaminin ako, guys. :p This story is somewhat true. Kwento to ng masalimuot kong Perslab. Yung book one yung mga nangyari dun nangyari talaga sa akin... sa amin... kaso yung Book Two, hindi na. Kaya wala na rin siguro akong gana noon. Pero hindi naman namatay literally yung Perslab ko. Sadya talagang hindi lang talaga kami ang nakatadhana sa isa't isa dahil in thee first place... there's no us and there will never be an us! Lakas maka-Sarah G. no? De, totoo, hindi naman kasi niya ako nakikita e... multo ba ako o bulag siya? Basta yun na yun!

Alam niyo yung, "For me it was always him, but for him it will never be me." Mga ganunan! Pero naka-move-on na ako doon no. Hindi naman siya ang inspirasyon ko sa pagsusulat sa iba... ditey lang.

So ayun. Sa mga gusto pa pong malaman ang kahihinatnan ni Ylleina at ng barkada ay malaya niyong mababasa ang FINDING NEMO... joke lang! 

FINDING TRUE LOVE: Life After Him

http://www.wattpad.com/story/27658570-finding-true-love

Will Ylleina give love another shot? What is Life to her after him?

Yan naman ang bibigyan natin ng point. Tapos yung Epilogue dito na bitin. Cliffhanger Queen ako. Kadugtong nun ay ang Prologue nung Book Three. So ayun...

Maraming salamat sa pagmamahal at suporta! I love you guysssssss! Pati sa iyo na binasa pa hanggang dulo itong love letter ko... pupusta ako hindi lahat magbabasa.

Saranghaeyo~♥  Unnie/Noona JCforever ♥  

May Group ako BAKA lang gusto mo jumoin: https://www.facebook.com/groups/jcforeverstories

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon