69. Hart-hart! ❤

486 12 2
                                    

69. Hart-hart! ❤

Ylleina's POV

"Jagiya, san ba tayo pupunta?" Hawak-hawak parin niya ang kamay ko pero nagpapadala lang ako kung saan niya gustong pumunta.

"San ba gustong pumunta ng Aein ko?" Tapos may mga mapaglarong ngiti na umukit sa mga labi niya.

"Kahit saan naman e... basta kasama kita." Nakayuko akong bumulong ng ganun.

"Talaga? Basta kasama mo'ko? Ang sweet talaga ng Aein koooooo."

Tumatawa siya, kinikilig ata e. Samantalang ako namula sa kahihiyan...

"Narinig mo pa yun?" Sabi ko sa kanya.

"Oo naman, sabi ko naman sayo e...lahat ng sasabihin mo maririnig ko dahil mahalaga ka sa akin! Kahit bulong lang yun, kahit nga tibok ng puso mo e... kasi pag mahal mo ang isang tao, mahalaga sayo ang anumang sasabihin niya. Wala kang pinapalagpas sa mga yun."

E, sorry masyadong ma-cheesy si Boyfie e! Hahahaha.

Naglakad na kami at hindi ko na inisip kung saan ba kami pupunta, it's Gian anyway... pag mahal mo ang isang tao kahit saan kayo pumunta masaya ka.

Doon ko lang narealize na nasa park na pala kami. Yung park malapit sa amin. At gabi na pala. Hehehe.

Kinuha niya yung ngayon ko lang napansin na malaking bagpack niya. Oo nga, hindi naman kasi nagdadala ng buong bahay tong si Gian e, parang ngayon lang. Hahahaha.

Nakatayo lang ako sa tapat niya habang inaalis niya yunv mga laman ng bag niya. Kumuha siya ng blanket dun at nilatag sa mga damo at kumuha siya ng mga snacks, may sandwich pa nga e at coke na 1.5.

"Hindi ka prepared, ano?" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin,"Hindi nga masyado e... kulang pa nga tong mga to e."

Umupo na ako at magkaharap kami kumakain lang kami habang nanunuod ng mga bituin.

"Ang hilig mo talaga sa mga bituin, no?" Sabi niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ang gaganda kasi nila e. But sometimes I feel nostalgic whenever I see them... parang may part na makirot sa akin... yung part na oo, nakikita natin sila pero ang totoo ang layo-layo pala nila."

"Ikaw? Hindi ka ba naaamaze sa nakikita mo?" Taning ko sa kanya pero nakatingin na ulit ako sa langit na puno ng bituin.

"Amaze na amaze nga e... tuwing nakikita ko nga to, nahpapasalamat ako sa mga magulang niya..."

"Huh? May mga magulang ba ang bituin?" Nagtataka akong napalingon kay Gian at pagtingin ko, nakatingin pala siya sa akin.

"Gian naman e!" Sabay palo ko sa kanya,"nambubudoy ka na naman e!"

Narinig ko na naman yung napakasarap niyang tawa.

"Totoo naman e! Mas nakakaamaze ka sa mga bituin kasi ikaw malapit ka lang sakin. Nahahawakan kita, nakakausap... mas gusto kitang tignan kesa sa mga bituin! Dahil ikaw ang hart-hart ko!" Tapos nag-form siya ng heart sa kamay niya.

"Alam mo Gian, sa pagdaan ng mga araw nagiging corny kana!" Sabi ko sa kanya.

"Ah ako corny? Corny ako?" Tapos akmang lalapitan niya ako kaya ang tendency e tumakbo ako at para kaming mga adik na naghahabulan. Another corny thing na ginagawa ng couple.

"Eeeeeeeeh! Giaaaaaaan tama na! HAHAHAHA. HINDI KA NA CORNY, JUST STOP THIS INSTANT!"

"Hindi sabi mo corny ako e, papatunayan ko sayong hindi... andyan na ako Aein..."

"NOOOOOOOOOOO!"

GRABE! NAPAKASWERTE KO TALAGA SA JAGIYA KO... ISIPIN KO NALANG TINUTULUNGAN NIYA AKONG MAGPAPAYAT! Hahahaha.

Nang mapagod na kami kakatakbo ay humiga kami sa Blanket at tumingin ulit sa mga bituin.

"Aein, ano ba ang mga bituin?" Out of the blue niyang tanong.

"They are ball of gases." Sinagot ko naman ayon sa sagot ng Science Teacher namin.

"HAHAHAHA. GC MO! Hindi kaya sila mga anghel?" Tanong ulit niya.

"Pwede din naman... oh wait! Lumalabas na yung favorite star ko!"

"Asan?"

"Eto, etong katapat mo..." tinuturo ko sa kanya, "yung pinakamaliwanag... yan ang favorite star ko."

Naaliw kasi ako nakita ko ulit siya.

"Pinangalanan mo na?" Sabi ni Gian sa akin...

"Pinangalan? Hindi naman ako astronaut na nakatuklas ng isang heavenly body, maybe may pangalan na yan" sabi ko ulit.

"Ikaw talaga. Edi pangalanan mo parin, para pag nakikita mo siya e matatawag mo siya ganun..."

Tapos ngumiti ako, "Sige, simula ngayon yan na ang star nating dalawa at tatawagin natin siyang... GILLEINA!"

*

Pagtapos ng quality time namin ni Gian e agad kong tinignan ung fone ko, nagtetxt na pala si Pau sa akin.

Magrereply palang ako ng bigpa itong tumawag.

"Oh? Napatawag ka?"

"We have to do something..."

"Huh? Para saan? Para kanino?"

"For Gian's birthday!"

"Whuuuuuuuuuuuuut?!"

*

Omo! Birthday na ni Gian!! Excited na ako... may ideas ba kayo kung paano gagawing memorable ang birthday ni Gian? Tulungan naman natin si Ylleina at ang barkada na mag-isip! Hohohoho!

~JCforever ❤

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now