75. Moments with you... Second Half <3

362 10 0
                                    

75. Moments with you...

Ylleina's POV


"AEIN!"

Agad ko namang napreno yung sidecar sa paparating na sasakyan sa amin. Buti nalang hindi kami napahamak.

"Loko-loko tong si Manong ah!" nasabi ko. Aalis na sana ako dun sa pwesto ko ng  bigla akogn hawakan ni Gian.

Nakita ko ang pag-aalala niya sa akin at bumaba siya para aalalayan akong bumaba.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!"

Dahil sa pagkaabala ko kay Gian e hindi ko napansin na nakababa na yung driver ng kotse na babangga sana sa amin.

Lalaki ito. Kasing edad lang ata namin e. Atsaka mukhang mayaman, ang porma e. Pero mas pogi parin si Jagiya ko no!

"Sorry? Muntik kang makapatay, sorry? Atsaka bakit ka nagddrive? Parang 16 ka palang ah?"

"Oo ako nga yung nag-drive. Nag-aaral kasi akong magdrive e."

"Tapos dito ka nagddrive kugn saan eskinita lang to? Kugn saan may nagbbike? Ayos ka rin no!?" nangigigil talaga ako dito sa lalaking to e.

"Tinakas ko lang kasi to. Sorry na oh." tapos nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay sabay kindat.

Nagulat ako doon kaya hindi ako nakapalag pero agad namang hinila ni Gian yung kamay ko.

"Okay na brad, malamog yung GIRLFRIEND ko!" tapos pinasakay niya ako doon sa sidecar at siya na yung nagbike.

Hindi ko alam kung bakit ako natameme sa ginawa nung lalaking yun, dpaat ang ginawa ko e nagalit ako at sinapok ko yung ulo o di kaya sinipa ko ung keme niya... pero bakit imbes na magalit ako e, kinabahan ako.

Parang matagal ko na siyang kakilala... at bakit bigla kong nadinig ito.

Dugdug. Dugdug.

Kay Gian lang dapat ito titibok diba? Bakit ganun?

*

"Ang tahimik mo ata bigla ah?" nagulat ako ng bigla akong inabutan ni Gian ng ice cream.  Hindi ko din namalayan na nakaupo na pala kami sa bench ng park. Bakit hindi ko napansin yun?

"Kanina ka pa tulala? Naiisip mo parin ba yun?" tanong ulit ni Gian.

"Huh? Ah oo, nag-alala lang ako sayo... oo, nag-alala lang ako kanina."

Hinimas-himas naman ni Gian ang likod ko para siguro pakalmahin ako.

"Pero wala na yun sakin, Jagiya. As long as na kasama kita... panatag na ako."

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon