C h a p t e r T h r e e 💞

1.3K 22 0
                                    

💞 Realizations 💞



"Uy~ Ylleina, okay lang 'yon. Bawi ka nalang next time." Kinakalma naman ako ni Kimmy.


Nakakabadtrip kasi e, hindi ako nakapasa. Isang point nalang 'yon! Nakakaloka! Hindi pa umabot kahit pasang-awa lang. Hindi naman ako GC pero sadyang nakakalungkot lang.

"Onga, Ylleina~ Laban lang! Review na tayo for the next Chapter Test." Yaya naman ni Ashley.


Pero wala, e. Tumatalbog talaga lahat sila.


Gan'to talaga kapag na-stress o na-depress ka sa isang bagay. Hay buhay~

Nakasalubong naman namin si Giancarlo. Nang makita niya ako sobrang saya niya at nasa wisyo ata siya'ng mang-trip kaya naman,

"BALIW! BALIW! BALIlllllllllllW~"

Sa sobrang inis ko napagbuntungan ko siya. Hinarap ko siya at talagang nagtitimpi ako na masuntok siya.

"P'wede ba tigilan mo na ako? Nakakainis ka na, a! Akala mo ang pogi mo n'yan? Kahit ano'ng gawin mo, nakakairita ka! Panira ng araw!"

Nagdabog ako at naiwan siya doon. 'Di ko masyadong napansin ang reaksyon ng mukha niya. Naiwan ko nga rin sila Ashley at Kimmy, e. Sumunod lang sila sa'kin.

Kumirot din naman ang puso ko no'n. Syempre sadyang nadala lang ako ng emosyon peeo hindi ko na inintindi 'yon at binalewala ka 'yon. Mas mabuti na 'yon! Tama naman ako, 'diba? Para na rin hindi na ako makarinig ng gano'n. Nilagay ko lang siya sa dapat n'yang lugaran.

Pero bakit ang sakit talaga?




Dumaan ang mga linggo at gano'n na nga ang nagyayari. Kahit na magkita kami hindi na kami nagpapansin o sabihin na nati'ng nagbabangayan. Tumigil ang mga asaran at pikunan. Wala nang tumatawag sa'kin ng "baliw" at wala na rin akong sinisigawan na "praning".

Kunsabagay, masasabi naman na hindi naman kami mag-kaibigan, e kaya ayos lang siguro 'yon. Lagi nalang kami'ng nagtititigan. Nagpapalitan ng tingin sa isa't isa. Para kaming nag-uusap sa isip pero hindi ko rin maintindihan ang mensahe na gusto niya'ng iparating.

Sa totoo lang, medyo nalungkot din ako. Parang namimiss ko na ewan. Lagi ba naman n'ya akong aasarin, e tapos ngayon wala na. Parang nasanay ako at ngayon ay hinahanap-hanap ko. Pero alam ko nama'ng kasalanan ko, e. Ako 'yong nagpatigil sa kanya para gawin 'yon.

Ako 'yong nagsabi sa kanya na ayoko na siya'ng marinig. Sinunod lang niya ako. Ako talaga 'yong may gusto pero bakit parang ako pa 'yong nahihirapan ngayon?

Hanggang sa ang mga linggo ay naging buwan. Hays~ wala na ba ako'ng maikkwento?

Hanggang sa lumipat na kami nang bahay.

Hindi naman malayo sa dati nami'ng tinitirhan, mga ilang kanto lang din. Bumili na kasi kami ng sarili nami'ng bahay, nangungupahan lang kami ng bahay dati, e.

Maayos naman, mas malaki atsaka mas bet ko 'yong kwarto ko. Ilang araw din kaming naglipat ng gamit. 'Di naman ako masyadong nakatulong kasi nga may pasok.

Sabado no'ng matapos na kami'ng maghakot lahat.

Habang ako ay abala sa pag-aasikaso ng mga kalat sa labas kasi naglilinis 'yong mga magulang ko sa loob may kumpol ng mga lalaki na napapatingin sa'kin, hindi naman sila gano'n kalapit pero malalalaman mo naman kung ikaw 'yong sinasadyang tignan 'diba? Pero 'di ko na lang initindi, bala nagulat lanv sila sa bagong lipat.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon