35. His name is G-O-R-G-E!

740 11 1
                                    

35. His name is G-O-R-G-E!

From: Best Gorge

Asan ka?

Addict talaga to! Alam naman niya ang sched ko, at alam din niya ang mga ginagawa ko pagtapos ko sa school.

To: Best Gorge

Nasa bahay... Bakit?

Sa pagkakaalam ko e mamaya pa uwi netong mokong na to e.

From: Best Gorge

Labas ka.

To: Best Gorge

BAKIT? Ayoko ngaaaaaaaaaaaa :DD

From: Best Gorge

ISA.

Nako. Takot ako dito e... kunyare lang, pag bagbilang na to alam na.

To: Best Gorge

Oo na. Oo na. Cutting ka na naman. Tsh.

Paglabas ko nakita ko siyang nakatayo at may hawak na hindi mo kayang tanggihan na 2 pint ng ice cream syempre yung favorite kong coffee crumble at double dutch. HAHA!

Pumasok siay ng walang pasintabi at umupo sa sofa ng walang pakundangan... ganyan yan! Ganyan halos lahat ng barkada ko sa bahay e, feeling kanila.

"Sila Tita?" reffering to my Mum

"Ay pumasok malaman mamaya pa uwi pati si Papa, ako lang dito." tapos tumingin-tingin siya sa paligid.

"Anong iniisip mo?" bingiyan ko siya ng scary look.

"Baka kako magsuicide ka kaya pumunta ako dito..." with poker face

Humagalpak kao ng tawa... HAHAHA! Nakakatawa naman kasi talaga e... anong dahilan para mag-suicide ako. Nebeyen.

"Abonrmal ka? HAHAHA! Hinde no. Kumain na tayo!"

Habang kumakain kami ng ice cream at nanonood ng movie e hindi ko alam at bigla ata siyang nahipan ng masamang hangin at nagsalita...

"Namimiss mo parin ba siya?"

Kahit alam ko naman kung sinong tinutukoy niya e nagkunyare akong hindi.

"Sino?"

And his face was like this -___________________-#

Priceless, huh.

"Kiala mo na yun. Banggitin ko pa ba?"

"Ah, Okay. Yun... hindi na." well, sa pagkakaalam ko wag lang siyang biglang babanggitin at bumabalik ang mga alaala e tulad kanina.

"Ah I see. Mahal mo pa siya?"

Naubo talaga ako... as in! Tumalsik tuloy yung ice cream na kasusubo ko palang.

"Bayan! Adik ka... lagkit niyan!" umalis ako at pinunasan ko ung mukha ko pati ung throw pillow na natalsikan pero siya ganun padin di natinag.

"Sagutin mo nalang ang tanong ko." sabi niya ng hindi inaalis sa akin ang paningin niya,

"Ewan ko. hindi ko sure... baka... hindi... baka..."

"OO" putol niya sa sasabihin ko, "Hinihintay mo parin siya no..."

Dire-diretso lang siya sa pagsasalita pero idenedeny ko naman gamit ang facial expression ko.

"Kaya parang balewala sayo lahat ng efforts ng iba... kasi siay padin all this time."

Long silence.

Hindi ako nakapagsalita at siya din hindi.

Naguguluhan ako... efforts? ng iba? Wala namang nagpapakita ng interes sa akin ah? Weirdo.

Napatingin lang ako sa kanya at tumunog ang cellphone niya.

Pagkatapos niyang basahin nag text message...

"Ylleina, una na ako. Next time nalang..." umalis na siya.

Siya si Gorge, boy bestfriend ko. Lagi siyang andyan para sa akin at naappreciate ko naman yun... pero bakit netong mga nakraraang araw ang weirdo niya?

---

A/N

Ano kayang problema ni Gorge? Hahaha! :D

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now