28. Kasi nga...

831 11 0
                                    

28. Kasi nga...

Ylleina's POV

Takbo, Takbo Ylleina para maabutan mo siya.

Ikaw naman kasi. Ang slow-slow mo! Bakit hindi mo napansin? Bakit hindi mo nagets ang mga sinasabi niya sayo lately? Bakit hindi ka kasi nagtanong? Papayag ka bang last na to?

Binilisan ko pa ang takbo ko kahit hindi ko na makita ang dinadaanan ko.

Kimmy called me and she overheard the conversation of two fan girls of Giancarlo na aalis na pala to ngayong araw... NGAYONG ARAW!

2 weeks before siya nagpaparamdam ng pag-alis niya hindi na kami nagkasama. Nagign busy kasi ako sa school e. May tinatapos na mga projects, HELLO? Matatapos na ang Freshmen Year. Magiging Sophies na kami! 

So lahat ng mga pwedeng mag-hinder sa akin sa paggawa ng mga prjoects e sinantabi ko muna, pati siya.

Aabot pa ba ako?

Sa pagtawid ko ng kalye bigla namang may tumambad sa aking kotseng pula! 

"Ano baaaa-"

Napatigil ako ng makita ko ang mga barkada ko, at yung kuya ni Kimmy na driver.

"Get in!" sabi nila, "ihahatid ka na namin... lampa!"

Agad-agad naman akong sumakay.

Gian! Gian! Gian pag di mo ko hinintay pepektusan kita!

*****

Giancarlo's POV:

Dapat ba sinabi ko sa kanya?

I tried. But she's busy. Stress yun baka makadagdag pa ako sa mga iniisip niya. Atsaka baka, baka pag nagkita kami hindi na ako makaalis. Baka dito nalang ako sa piling niya... kung pwede ba naman e?

"Gian let's go." sabi sa akin ni Mama.

Oo, mahirap. Mahirap umalis at iwan si Ylleina. Pero wala akong magagawa. Kailangan kong umalis... kailangan... kailangan munang isantabi ang anumang damdamin sa mga oras na ito. Hindi pa siguro panahon.

We are heading to NAIA. We're going to Canada... but I think I'm leaving my heart here with her.

*****

Ylleina's POV:

Ang tagaaaaal! Traffic! Huhuhuhu! GIAN! GIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN! -________-#

"Anong oras ba ang flight nun? San siya pupunta? Anong Terminal?" sunud-sunod kong tanong kay Kimmy.

"Sa Canada daw. Malamang international flight. Atsaka 2pm daw? Nako, Ylleina! We already ditch our class for this ah! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin... magpakatotoo ka na habang may panahon ka pa!"

"11:30 na!" tuliro kong sagot, "Di kaya nakaboard na yun?"

"Malapit na NAIA dito, takbuhin mo nalang!" sabi sa akin ng Kuya ni Kimmy.

Tatakbuhin ko na ba? BAHALA NA!

Lumabas ako ng kotse at tinakbo ang NAIA.

Ylleina bilis! YLLEINAAAAAAAAAAAAA! Determinado ako. It's now or never.

At ang mga habang kalye ay nagmistulang maikling daan sa aking pagnanais na makita si Gian. Ngayon nasa tapat na ako ng NAIA.

"Maam, san po kayo pupunta?" tanong sa akin ng Guard.

"Sa kaibigan ko po... uhm... flight po niya tapos po..."

"Naku! Bawal ng pumasok naka-board na yun..."

"Manong pleaseeeeee..."

"Hindi na talaga pwede Miss. Magkakaroon pa ng gulo pag pinilit mo."

"Kuya, Kuya naman e!"

Naiiyak na ako sa harapan nung Guard pero ayaw parin niya akong papasukin...

"Kuya? HINDI KA PA BA NAIINLOVE? Kailangan pong malaman nung lalaking mahal ko na mahal ko siya kundi baka pagsisihan ko to habang buhay. Baka di na kami magkita o worse baka magcrush ang airplane at mamatay siya! Kuya pleaseeeeee!"

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko pero napatango na lang ang guard at patakbo akong pumasok.

Ang corny talaga ng mga taong inlove! -________-##

Sa pagtakbo ko hindi ko na malayan na ang laki nga pala ng NAIA. Grabeeee! Paano ko siya makikita? BAHALA NA!

Sa pagtakbo ko ay may nakabanggaan ako

"SORRY!" sabay naming sabi at pagtingin ko sa kanya...

"GIAN!? Giaaaaaaaaaaaaaaan!" napayakap ako ng wala sa oras ng makita ko siya at umiiyak-iyak pa ako.

"Ylleina?" halatang gulat na gulat siya ng makita ako, "papaanong?"

"Mahabang istorya pero ang mahalaga andito na ako..."

"Mabuti naman at nakita mo ko... may sasabihin kasi ako... sabi niya pero nagpauna na ako at halos sabay lang naming nasabi ang sumunod na kataga...

"MAHAL KITA!"

Napatigil kami saglit.

"Anong sabi mo?" tanong niya sa akin

"Ano muna yung sinabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Sabi ko mahal kita." at nakita ko ang sensiridad sa mga mata niya.

"Sabi ko din mahal kita." nagkatinginan kaming dalawa.

"Flight PR-OO68 Proceed to the Check-in Process..."

"FLight na namin yan..." sabi niya sa akin.

"Aalis kana?" nalungkot akong bigla.

"Oo. Pero promise babalik ako. 2 taon lang ako dun! Everyday I'll email you... call you... uso naman Skype diba?"

Nagbalik ang ngiti ko...

"Oo. Gian, Hihintayin kita..."

At niyakap ko siya ulit.

Unexpected ang pagtatapat ko... este namin sa isa't isa. Ano ba naman ang 2 years para sa dalawang taong nagmamahalan.

LDR ang peg? Teka... kami na ba nun? :)

*****

NAG_UD NA! Sorry pooooooooooooo :(

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now