72. My Greatest Fear...

392 12 0
                                    

72. My Greatest Fear...

Ylleina's POV

"Ylleina..."

"Gian?! Gian! Sandali san ka pupunta? Hintayin mo ko... Wait!"

Ngunit patuloy lang siya sa paglakad palayo sa akin. Nakaramdam ako ng pagsikip ng puso ko. Eto na naman po tayo.

"Gian, please... bumalik ka... Gian.. ayoko! Hindi ako papayag na mawala ka ulit!"

Buong lakas akon tumayo kahit nanghihina na ang katawan ko. Buong lakas akong lalaban para sa kanya... dahil alam ko mahal ko siya...

Pero mahal pa ba niya ako?

"Gian! Please!" hinabol ko siya at sinubukang yumakap sa kanya pero bigla siyang nawala na parang bula...

"Gian!"

"GIAAAAAAAAAAAAAAAAN!"

"Ylleina!" naramadama ko ang pag-alog sa akin ng kung sino man at apadilat ako, "Binabangungot ka!"

Si Mama pala yung umalog sa akin. Napayakap ako sa kanya. Isang asamang panaginip... isan masamang pangitain.

"Mama, si Gian? Asan si Gian?"

Tumingin lang sa akin si Mama at lumingon sa kaliwa. Nasa isang kwarto alp. Hindi nila ako sinama sa hospital kung nasaan si Gian.

"Magpahinga ka muna. Nahimatay ka sa kakaiyak kanina, dinala na siya sa Hospital at tatawag nalang daw yung Mama niya kung ano ng lagay niya."

Napabalikwas parin ako, "Asan tayo?"

"Isa sa mga kwarto sa resort nila Gian." 

Tumayo si Mama at kinuha ang pagkaing nasa lamesita doon.

"Kumain ka muna, nagugutom ka alam ko."

Kinuha ko ang pinggan na inabot sa akin ni Mama at nagsimulang kumain... kahit wala akong gana. Alam kong mag-aalala lang si Mama kung di ako kumain.

"Lalabas na muna ako ng kwarto ah, eto ang juice uminom ka at matulog ka nalang muna ulit..." papalabas na sana siya ng magsalita ako.

"Ma, asan po pala sila Ashley?"

"Nasa kanya-kanya ng kwarto."

Pagsara ni Mama ng pinto, naaalala ko na naman yung panaginip ko patungkol sa paglayo sa akin ni Gian. Ilang beses na niya akong iniiwan... ngunit nandito parin ako. Hanggang kailangan niya ako, mananatili lang ako sa kanya.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now