77. Ang gulo na!

357 5 0
                                    

77. Ang gulo na!

Ylleina's POV

"Oh, Aein? Baki parang tuliro ka? Okay kalang?" bigla akong tinapik ni Gian habang nandito kami sa garden.

"Ayos lang ako." pilit akong ngumiti kahit ang totoo hindi naman talaga.

Tatlong araw matapos ang pag-uusap namin ni Pau eh lagi siyang tumatawag sa akin, laging nagtetxt. Binalik niya yung DANGSHIN na yun... nakakainis feeling ko nagtataksil ako kay Jagiya, pag sinabi ko naman baka magkaaway pa sila.

"Aein, patext naman ako..." kukunin na sana niya yung cellphone ko ng bigla ko tong inagaw.

"Naku! Wala akong load." pagsisinungaling ko.

"E bakit kanina, text ka pa ng text? Dali na patext lang!" kukunin niya sana ulit pero inagaw ko ulit.

"Expired na. Expired na, Gian!" sabi ko at tinago ko yun sa bag, "Wala na. Oh, may nakikita ka pa?"

Hindi ko alam kung nakakahalata ba siya pero kasi hindi ko naman magawang burahin yung mga text ni Pau. Hindi naman dahil sa pinagpaapantasiyahan ko yun pag gabi pero kasi... may inaalam ako e. At kailangan ko ng mga ebidensiya kaya patuloy ko lang na-sinasave ang mga mensahe niya.

"O-Okay." dismayado yung mukha ni Gian.

"Sorry. May iniisip lang talaga ako..." sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at pinagpatuloy namin ang pagkain sa garden.

Last period na kasi, tapos wala pang taecher nag-aasikaso para sa nalalapit na Christmas Chuchu ng school namin. E hindi naman kami pwedeng magsiuwian na dahil nakalagay sa ID yung schedule ng pasok namin.

"Ang tagal pa ng oras..." sabi niya sa akin.

Alam ko na pinapanatili lang ni Gian yung conversation namin kasi pareho na kaming nakatulala. Ewan ko naman kung saan nagsuot sila Kimmy kaya kaming dalawa lang ang nandito.

"Oo nga e. Bored ka na ba?" tanong ko.

"Hindi ah, ikaw kaya kasama ko. Baka nga ikaw tong... ikaw tong nagsasawa na sa akin e."

Then it clicked. Nagtatampo si Gian. These days kasi nawalan ako ng gana... okay hindi naman sa ganun pero kasi masyado akong na preoccupied ng mga bagay-bagay kaya ayun... parang hindi ko na napagtutuunan ng pansin si Gian.

Pwede pala yun no? Pero hindi okay para sa akin. Hindi ko alam siguro masyado lang pagod ang utak ko kakaisip.

Ang dami kasing problema... si Ahsley... si Pau... Hay!

Sumandal ako sa likod ni Gian.

"Nakakapagod Jagiya, grabe. Buti nalang nandito ka sa tabi ko... kung pati ikaw mawawala... baka mabaliw ako."

Naramdaman ko ang malalim na paghinga ni Gian kaya hinarap ko siya sa akin.

"Anong paghinga yun? Nakakatakot ah! Wag mong sabihing... mawawala ka na naman? Nako! Nako Gian! Hindi ko na kakayanin!"

Ginawa kong OA ang pag-arte ko para matago ko yung kabang naramdaman ko, ngumiti naman siya at tumawa at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talaga, wag mong paikutin ang mundo mo sa akin."

Wag ko daw... ano?

"Anong sinasabi mo? Bakit? Atsaka hindi ka araw no! Kapal neto!" tapos pinalo ko siya sa braso.

"Hindi yun! Wag kang masyadong dumepende sa akin..." ngumiti siya, "dahil... dahil hindi natin alam ang susunod na mangyayari."

Medyo humina ang pagkakasabi niya nung dulo. Ang senti naman neto.

"Gian, wag na wag kang magbabalak na iwanan akong nag-iisa ah!" sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala... hindi ka mag-iisa. May darating na--"

"ANDYAN LANG PALA KAYO???" sigaw ni Kimmy. Hindi ko tuloy narinig ng maayos yung sinasabi ni Gian.

"Grabeng makasigaw?! Sayo to? Sayo to? Hindi ko tuloy narinig yung sinasabi ni Gian, ano nga ulit yun Jagiya?" sabi ko.

"Hindi wala... linya lang yun sa isang palabas. HAHAHA! O anon meron Kimmy?"

Natuon naman ang atensyon namin kay Kimmy.

"Kanina pa namin kasi kayo hinahanap e!"

"BAKIT?" sabay na tanong namin ni Gian.

"Si Ashley..."

*****

Twist and turns. :3 Mga 10 chapter pa bago matapos! Keep holding on! <3

~JCforever <3

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now