6. The EPIC FAIL/SUCCESS Moment :"D

1.1K 26 1
                                    

6. The EPIC FAIL/SUCCESS Moment!

 

 

 

Mabait ang tadhana… at nagkasama ulit kami.

May nanggulo sa akin sa school. Ewan ko dun! Mag-nanay at kine-claim nila na kapamilya nila ako. Tsss! Takot ako. Nang pinaghihila nila ako sa school. Pumasok ako sa loob ng school namin at iyak ng iyak tinawagan ko yung tatay ko pero di ko siya ma-contact.

Sa takot ko, talagang di ako lumalabas ng school. Maggagabi na nun. Kailangan ng umuwi ng ilang mga kaklase ko na sinamahan ako… pati sila Ashley at Kimmy. Nakausap ko na ang Papa ko, hintayin ko na lang daw siya.

Sa sobrang kaba. Naabutan pa ako ng mga teachers. Grabe! Ano ba tong nagaganap.

 At nagulat ako ng may napadaan sa tapat ng gate… si Giancarlo! Hinablot ko siya papasok.

“Giancarlo…” takot padin ako. “Tulong… kasi may babae dun hinaharass ako. Baka kung anong gawin sakin. Natatakot ako. Pwede mo ba akong samahan hanggang masundo ako ng Papa ko?”

Sobrang iyak ko napayakap ako sa kanya. Grabe! Tapos tinapik-tapik niya yung likod ko. “Tahan na. subukan lang niyang lumabit… makakatikim siya!”

Hindi ko aakalaing i-co-comfort niya ako. At unti-unti gumaan ang pakiramdam ko.

“Sorry Giancarlo a. Naaabala kita.”

“Wala yun. Namiss ko ding kausap si Ateng Baliw. Ay wag na pala kasi baka---”

“E nagbago ka na e.”

“Anong nagbago?”

“Di mo na ako niloloko o kinakausap.”

“Hala! Diba sabi mo layuan at tigilan na kita. Alam mo namang malakas ka sakin e, kahit mahirap gagawin ko basta para sayo.” Ayiiiiie! Kinikilig ako.

“E di bumalik ka na sa dati.”

“Na?”

“Makulit at PRANING! Kuyang Praning!”

“Hehehe. Baka patigilin mo naman ako?”

“Ay… hindi na kasi pagtatanggol mo ko kay Manag na Mas Baliw at Praning satin. Hahaha!”

“Ang ganda mo talaga.” Witweeeew! Hahaha!

“Kahit haggard na?”

“Oo. Kahit mukhang aswang ka pa!” natawa ako dun a!

Nagkakatawanan pa kami ng dumating na ang Papa ko. Pinakilala ko naman siya at sinabay na din naming umuwi. Ang saya ko! : )

Nang nasa bahay na, “Hmmm text tayo. Number mo?” tanong niya.

“0907*******. Ikaw? Para di na ako mag-hu-who you.”

“0929*******. TEXT KITA A!”

“Sige kahit magkapuyatan pa! malakas ka na sa akin e.”

Pagpasok ko sa bahay, todo ayos pa ako ng gamit. Pagtapos kong kumain, maghahanda na ako sa pagtulog tinignan ko yung cp ko pero hindi padin nagtetxt si Giancarlo… Hmm. Inaabangan? Supposedly kasi magtetxt nay un kinuha-kuha niya e.

Ayoko naman siyang itext, ay bahala siya. Ano siya masaya? Nek-nek niya. Pero crush ko na siya diba? Hehe, mas dyahe pala. Matutulog na ako.

Maya-maya tumunog ang Cellphone ko… napabangon ako at nakita ko yung text, “Still up?” pero kay Kimmy lang pala galing, ay sows! >___<

Binaba ko naman yung cp ko, matutulog na talaga ako. Bahala siya kung ayaw niyang magtext.

*****

Next! Ylleina will be in a big trouble! Ano ang gagawin ni Giancarlo? Meron ba? MALAMANG! <3

Abangan na lang pooooooo!

~JCforever <3

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon