51. Paranoia.

621 12 0
                                    

51. Paranoia

Ylleina's POV

"One thousand one... one thousand two... one thousand three...

I love you Aein. *TINGGGGGGGGGGG*"

Napabalikwas ako mula sa higaan ng mga sandaling iyon. Buti nalang panaginio lang. Pinilit kong habulin ang hininga ko. Hindi ki lubos-maisip na magiging totoo yun.

Siya ang pinakahuling taong iisipin kong mawawala sa akin. At siya lang din ang tumatawag sa akin ng ganoon--Aein.

I compised myself. Pinilit kong tumayo at pumasok ngayon dahil gusto kong i-proof na makikita ko siya ngayon, na okay na siya at na-over fatigue lang talaga siya kahapon.

Kalma lang Ylleina.

Maaga palang nasa school na ako. Hindi ko man ipahalata ay panay ang lingon ko sa bawat sulok sa pag-asang makikita ko ang makulit na si Gian sa harapan ko.

Lagi kasing sa gate palang ay nakaabang na siya sa akin at mangungulit na na makisabay sa akin pagpasok... ngunit ngayon ay nabigo ako. Hindi ko din maintindihan kung bakit walang tao sa may field ngayon.

Natanaw ko naman ang isang rumorondang guard at agad kong tinanong kung nasan ang mga tao ngayon. Matipid naman niya akong sinagot ng may programs daw Sa may auditorium kaya umakyat nalang daw ako dun.

Agad-agad naman along umakyat sa may auditorium ngunit kataka-taka talaga na wala naman isa mang tao na pakalat-kalat sa correigdors. Sa kaba ko kung anong impirtanteng nagaganap sa itaas ay nagmadali akong pumunta at halos maghabulan ang hininga ko sa ginawa ko.

Pagpihit ko ng door knob ay tumambad sa akin ang napakadilim ng auditorium at walang trace na kahit anumang nabubuhay na nilalang sa loob. Naasar pa ako sa guard na animo'y pinagttripan ako ng mga sandaling iyon.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Masyadong mabilis ang tibok nito kumpara sa normal kong heartbeat.

Takot ba ako sa multo?

Makakakita ba ako ng isa pag pumasok ako sa loob?

Para masagot ang mga katanungan kong iyan, dapat lang talaga na pumasok ako.

Napansin ko naman na biglang bumukas ang ilaw malapit sa akin ng tuluyan na akong pumasok sa loob at isa-isang bumubukas ang ilaw sa bawat paghakbang ko.

Nang mamalayan ko na nakakarami na ako ng hakbang ay may bigla aking dinig na nadinig.

"I was first year when I met a girl by accident. Actually disaster nga ang una naming pagkikita coz talagang nabadtrio siya sa akin. Lagi tuloy kaming nag-aaway kapag nagkikita kami. At first, akala ko trip ko lang talaga siyang asarin. But suddenly, bigla ko nalang naramdaman sa kanya yung tinatawag nating unang tibok ng puso. Akala ko nga wala lang yun knowing na freshman palang kami... pero it goes on and on. Nagkahiwalay ang landas namin... 2 years kaming walang komunikasyon pero nung nagkita kami... nagbalik lahat. Mas tumintindi oa nga ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas naging vocal narin ako about my feelings for her. Malakas ang tama ko nga sa kanya."

Biglang mas nagliwanag ang paligid sa gitna at nakita ko ang isang pamilyar na tao sa harapan ko.

The only man I always look for everyday... the only man who hurts me painfully but I need to admit that I still long for.

My perslab... Giancarlo.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula... pero kada tapak ko sa lugar na to, siya lang ang hinahanap ng mg mata ko. Ylleina, Aein ko... gusto kong malaman mo at ng lahat ng tao sa school na to... na ako si Giancarlo ay umiibig ng taoat sayo. Sounds corny pero gusto ko talagang maramdaman mo na totoo to. Oo, kilala ako na loko-loko at palabiro pero pagdating sayo... seryoso ako."

Mas lumiwanag ang buong auditorium at maliwanag kong nakita ang lahat ng tao... puro estudyante mula sa iba't ibang year. Nanonood sa amin.

At napako ang nga mata ko sa lalaking nasa harapan ko...

"Ylleina, Will you be my Aein forever?"

Napakunot ang noo ko... hindi ko nga alam ang ibig sabihin nun e.

"Aein means sweetheart." pawang nabasa niya ang nasa isip ko.

Nagpakawala ako ng isang matamis na ngiti at nagsabi ng OO.

Makikita mo na tuwang-tuwa siya at binuhat ako papaitaas. Ang saya lang niya.

"It'll be the start of our forever."

If every bad dream will end up in this beautiful reality... it's okay. It's perfect. I am now officially Gian's Aein!

*****

OMG! Silaaaaaaa naaaaaaa! More kilig moments coming upppppp! *^O^*

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora