39. The day I died.

747 12 0
                                    

39. The day I died.

Ylleina's POV

"Gian?"

Tuloy-tuloy lang sa pagtulo ang mga pesteng luha to. Not now. Not here.

Ano ba talagang ginawa ko sa pesteng to at hanggang ngayon pinapahirapan parin niya ako.

Yung ngiting sumalubong sa akin kanina ay napalitan ng pagtatanong...

"Ylleina... I thought--"

He whaaaaat? Seryoso ba sya? Anong akala niya na masaya ako na makita siya, na magpapaprty ako o tatumbling dahil at last nakita ko na siya... nagkita na kami?

Anong akala niya na after all these years... finally magkakasama na kami ulit? Enough for the Fairy tales... enough for happy endings.

Nang oras ding iyon tumakbo ako. Habang isa-isang tinatanggal ang mga nilagay nila sa akin. Yung belo, ung rosas, ung palda... LAHAT.

Tama na. Ayoko na.

*****

Gian's POV

Hindi ko inaakala na magiging masakit para sa kanya ang pagbabalik ko.

Nang malaman ko, na magkaka-event sila sa araw kung kailan inamin namin sa aming sarili na mahal namin ang isa't isa. It was August 28.

Pinilit kong pumunta ngayong araw na ito. Kahit parang hindi talaga kakayanin pero gustung-gusto ko talaga siyang puntahan... gustung-gusto kong siyang makita... gustung-gusto ko siyang kausapin. Pero... parang hindi na kaya... parang hindi na aabutin.

"Gian, Sorry..." tinapik lang ako nila Ashley.

Naging malungkot ang mga tao sa paligid namin. Parang nabitin sila sa dapat sweet moments namin. Sayang wala pasensya na.

Tumakbo siya... umalis siya ng hindi man lang ako nakakapagsalita, nakakapagpaliwanag. Andami-dami kong gustong sabihin.

Hindi ko siya hinabol. Wala akong lakas ng loob na habulin siya. Hindi dahil natatakot ako sa posibleng maganap kundi natatakot ako sa katotohanang wala na pala akong babalikan pa.

Unti-unting sumama ang panahon, bakit kaya nakikisabay na naman ang ulan sa nararamdaman ko?

*****

Ylleina's POV

Takbo, Ylleina Takbo!

Iwanan mo silang lahat. Iwanan mo lahat ng pwedeng makapagpasakit ng nararamdaman mo. Iwanan mo lahat ng pait sa puso mo.

Ulan, Sige Umulan ka pa!

Tangayin mo ako... Pawiin mo lahat ng sakit.

Dalawang taon! Dalawang taon akong nagpakalungkot at naghintay para sa pagbabalik niya. Paulit-ulit akong namamatay sa bawat araw na hindi ko siya nakikita tapos bigla siyang magpapakita sa akin.

Ayoko na... Please Gian, Please... ayoko na. :(

Nandito ako ngayon sa isang park at nakaupo sa swing. Wala akong pakialam kung lumalakas ng lumalakas ang ulan. Mas okay nga yun e, para naman makalimutan ko lahat.

"Magpapakamatay ka ba talaga?" isang tinig mula sa likod ko ang narinig ko, kilala ko ang tinig.

"Gorge..." bago pa ako makapagsalita ulit ay tumabi na siya sa akin.

"Paulit-ulit ka na lang na niyang papaiyakin? Paulit-ulit ka na lang bang mamamatay?"

"Gorge, pagod na ako... pagod na pagod na ako..."

"Then let go. Let him go. Hindi naman ibig sabihin na ngayong nagbalik na siya ay magbabalik sa dati ang lahat diba?"

Tama si Gorge.

Pero ang talagang kinatatakot ko sa lahat ay ngayon na bumalik na siya ay bumalik ulit lahat sa umpisa...

*****

Gorge's POV

"Halika na, gabi na oh!" at umupo ako sa tapat niya.

"Gorge, basa ako... wag mo na ak---"

"Wag na. Basa din naman ako e. Okay lang, pagod ka na diba? Pihadong matatagalan ka sa pag-uwi pag maglalakad ka pa..."

So, hindi na siya lumaban at binuhat ko siya. It's not I who's doing a favor but in reality she's doing a favor to me... gusto ko tong ginagawa ko.

Kahit papaano ay gusto kong mapasaya ang babaeng mahal ko... kahit pa alam ko, that this is the day that I died.

*****

A/N Ayoko ng heavy drama pero magffall talaga tong story na to dito... abangan nalang sa susunod. :D

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu