75. Moments with you - First Half!

451 5 0
                                    

75. Moments with you...

Ylleina's POV


"Ylleina!"

Nagising ako sa isang tinig na tumawag sa akin. Dahil bigla ang gising ko kaya nahilo-hilo pa ako at tsaka kumurap-kurap. Napabalikwas ako ng makita ko si Giancarlo na nakatingin sa akin at nakangiti.

Nanaginip na naman ba ako?

Isa na naman ba to sa ilusyon ko na babalikan na niya ako?

"Ylleina, ako to..." naramdaman kong lumapit siya dahil hinawakan niya ang mga kamay ko na nakatakip sa mga mata ko.

"K-kung... a-aalis ka lang din... w-wag... wag ka ng bumalik."

Hindi ko napigilang umiyak. Yan ang mga gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa. Una, dahil ayokong hindi na siya bumalik sa akin at pangalawa, Oo baliw na kung baliw... basta mahal ko siya.

"Ylleina, andito na ako ulit." naramdaman kong yumakap siya bigla sa akin at umiyak ako. Hindi ko na napigilan kahit paulit-ulit akong lumalaban para hindi na umiyak.

"Tahan na, Mahal ko."

*

"Saan tayo pupunta?"

Gustung-gusto ko yang tanungin sa kanya. Pero wala namang use e, kahit saan naman niya ako dalhin ngayon ay sasama ako sa kanya.

Kahit ba may nagbago sa kanya e. Oo, nagulat ako sa malaking pagbabago sa kanya dahil hindi ko maisip kung bakit niya kailangan gawin yun... pero siguro tama nga yung quote na nabasa ko,

"You will know that you really love your man even after he cut his hair."

"Gian, bakit ka nagpakalbo?"

Ngumiti siya sa akin at huminto kami sa paglakad. Kinamot niya yung ulo niyang wala naman ng buhok. Mannerism die hard, ika nga.

"Kumakamot ka pa, wala ka na namang buhok!" biro ko sa kanya, "Oh, bakit nga?"

"Wala naman. New look lang... pangit ba?"

New look pa daw? Tss.

"Saan mo gustong pumunta, Ylleina?"

Ayan na naman po tayo sa YLLEINA na yan! Asan na yung Aein? :(

"Kahit saan, jagiya!" at nagpauna na akong maglakad.

Grabe, ang sarap talaga ng feeling kapag kasama mo yung taong mahal mo no? Kahit pa naging dahilan siya ng sakit mo in the past e kapag nakasama mo na siya nawawala lahat ng sakit... para bang okay na okay kayo. Masayang-masaya ka... sulit yung bawat sandali at oras na nangulila ka sa kanya.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now