36. Afritada

747 7 0
                                    

36. Afritada

~NABABALIW NA AKO SA IYO... AKO AY LITONG-LITO--

"Pambihira naman oh! NAtutulog e!" kinuha ko ang cellphone ko sa table

"Oh?" sinagot ko ang tawag without knowing kung sino to.

"Oh? Bakit ang init ng ulo mo?"  sabi ng nasa kabilang linya

"G-gorge? Sorry... kagigising ko lang kasi. I mean, GINISING KASI AKO NG TEXT MO!" 

"Sorry... dear. I just want to invite you to a dinner."

Anong dinner naman to at ini-english ako.

"Saan?"

":Basta! I'll pick you up around 6pm. Bye." and he hanged up the phone.

"Bastos."

Ewan ko kung ano na naman ang pakulo niya pero kung ano man yun... Hindi ko na alam ang iisipin ko.

Oo, hindi ako manhid o bulag o kung ano pang mga salitang maiisip mo. Nararamdaman ko, at hindi ako nagpapaka-assuming ah... may gusto sa akin tong si Gorge.

Korak! Nako, ilang taon na akong nabubuhay sa mundo at wattpad reader din ako no. Malamang yung mga ganyang kakemehan ng lalaki e nabasa ko na.

Pagtingin ko sa relo.

Seriously? 10:47AM na? Ang over naman. Hahaha! Ganun ba ako kahimbong matulog?

Oh well wala naman kasing pasok... yun nga lang may pinagkakaabalahan ako... naalala niyo ung school fest? Yung joketime ko kasing teacher e ako pa ginawang Chief Organizer. Oh mamon!

Nag-ayos na ako. At kumain. Naalala ko na nagpatawag ako ng meeting para sa mga kasama ko na mag-oorganize at dahil walang pasok ay sa bahay kami magmmeeting. Saya diba?

Lunch Meetin yun. Hindi ko alam kugn anogn pumasok sa kokote ko at nag-aya ako sa bahay at pumayag ako na dito sila mag-lunch. Mukhang vinoodoo ako ng mga yun ah? Hahaha.

Nasabi ko naman na kay Mama at Papa yung bagay na yun at dahil ako ay Prinsesa ay talagang pumayag sila. Kaso, wala na naman sila. Hehehe. Oh well, nag-ddate kasi sila pag araw ng Sabado. Hayaan niyo na yun, pagbigyan niyo na ang lumalablyp kong gma magulang... ako kasi wala e. HAHAHA!

"Chicken Afritada"

Fave kong ulam. Hahaha! Master ko na rin kasi ang pagluto nito e.

At ayun... syempre hindi ko na ikkwento kugn paano ako nagluto no, pero habang ginagawa ko tong pagluluto / paglilinis ng bahay / pagsasayaw ay kumakanta lang naman ako.

At nag-chant na naman sa salamin...

"ANG GANDA-GANDA KO... WOOOOOOOOOOOOOO! LOVEU YLLEINA!"

Kung meron man akong natutunan ay.. magsariling sikap! Dejoke... honestly, eto yung bago ka makapagbahagi ng isang bagay dapat meron ka munang tinanggap.

Kaya ayun... ganda-ganda ko talaga.

At makalipas ng 2 oras ay nakapunta na ang mga loko sa bahay namin.

-

Habang nagmmeeting kami ay puro pakulo na naman ang mga kaklase kong shunga.

"Sa August na pala to no?" banat nung isa.

Dugdug. Dugdug.

Kinabahan na naman ako. August yun e. August...

The month... our month. Boogsh!

Month namin? Parang wala naman.

"AEIN!" sigaw sa akin nung isa kong kaklase.

Lakas maka-AEIN neto????

Grrrrrrr!

Nobody calls me AEIN except... him.

Sa mga hindi po nakuha, block section kasi kami nung highschool so etong mga classmate ko e classmate ko rin nung nagkakilala kami ni Gian...

SI Gian kasi sigaw ng sigaw ng Aein sa room namin, ayun panukso na tuloy sa akin yun. Na never ko namang nalaman ang meaning, sino ba nakakaalam nun? Kainis!

"Hoy! Hampas-lupa ka! BAkit mo ko tinatawag ng ganun? Ikaw ba siya? IKAW BA SIYAAAAAAAAAAAAAAA!"

Tapos nag mala-hulk kao at binato sa kanya yung mesang punung-puno ng afritada at tumapon sa buong mukha niya at naagnas siya! BWAHAHAHAHA!

Pero lahat ng iyon... sa isip ko lang naganap. :D

"Oh?" pinapakita ko kasi na ok lang sa akin yun, para naman hindi nila ako bigyan ng malisya na apekted parin ako sa nangyari sa amin ni Gian. Tama naman e, Hindi na naman ako apekted e, diba? -___________-

"Ano bang theme natin?" banat naman nung isa.

"Pinag-uusapan pa lang natin diba?" sabat ko naman.

"Ilang taon na ba ang school?" sabat nung isa.

At nagkasabatan na kami lahat.

In the end, napagplanuhan namin na Throwback School Fest ang mangyayari. Makaluma, magrereminisce kami.

Ayus diba? Hahaha! #Throwback ang Theme. Ang hirap isipin niyan no! Apir! :D

One Text Message Received

Fr: Gorge

Excited much.

Anong nakain na naman ni Gorge? -__________-

*****

A/N Patawad poooooooooo. :( Busy lang these days. :D

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now