24. Okay na lang :)

829 15 3
                                    

24. Okay na lang :)

Pag nagmamahal ka, okay na lang sayo ang lahat. Tanggap mo kung hanggang ano lang ang kayang ibigay. If you love, you don't ask for something in return... basta masaya siya, masaya ka na rin.

Natutunan ko na lumalago pala ako sa love ko para sa kanya. Dati, ang selfish ko. Gusto ko sa akin lang ang atensyon niya, pero hindi naman dapat laging ganun... lalo na kung kaibigan ka lang naman.

Ngayon, okay na sa akin kung ano lang ang kayang ibigay ni Gian. Ang importante masaya kami. Friends lang man kami, OKAY lang as long as... we're together.

Tanggap na Friendzone lang e. :)

"Oy! Asan na si Percy! Hindi ko pa nakikita na dinadala mo dito sa School." sabi niya sa akin.

Nangungulit na naman kasi ba naman dalhin ko ba naman daw yun? Tss.

"E, eto nalang picture. Bigat-bigat nun e!" tapos inabot ko sa kanya yung picture ni Percy na ginawa kong keychain.

"Aish. Aein talaga stubborn you! Hahaha! Halika, picture na lang tayo." tapos inaangat niya yung fone niya at nagpicture kami.

*SMILE*

"Ay! Ampangit!" sabi niya

Bakit na naman?

"Bakit? Ganda kaya!"

"Pangit nga!"

"Bakeeeeeeeet?"

"E kasi dapat ganto..."

Tapos nagpicture siya at nilagay niya yung kamay niya sa shoulder ko, OKAY INAKBAYAN NIYA AKO!

Tulala ako sa camera e.

"Odiba ang ganda?"

Tinignan ko... at gulat na gulat ako picture,

"BV ka! Burahin mo yan!"

"Yoko nga!" bumelat pa.

"Isa!" sabi ko

"Dalawa!" sabi niya

"Gian?"

"Yes, Aein!?"

Argh! BV! Hindi ako mananalo sa mokong na to.

"Crush mo ko no? Tss." sinigaw ko.

Tapos natahimik siya...

Hala. Galit ata.

"Anong sabi mo?"

Napalunok ako. Naging seryoso ang mukha ko. Adik ka talaga Ylleina bakit mo sinabi yun? Baka magka-hint siya!

"W-wala!"

"Meron akong narinig..."

"E meron pala e..."

"Oo nga. Ano nga ulit yun..."

"Ayoko nga! Once is enough..."

"ISA!" tapos tinitigan niya ako

"Dalawa..." Ganti ko

"Ayaw mo ah..."

Binelatan ko lang siya...

Tapos...

Tapos...

Ki-niss niya ako sa cheeks.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

"Crush pala kita e... buti alam mo na."

Sabay alis.

OMG!

Did Gian just kissed me on the cheeks?

*HIMATAY*

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora