Chapter 1

14.2K 316 11
                                    

"Mom, our class is planning to have an outing habang hindi pa kami busy. Kasama naman po sila Hero so may kakilala naman ako doon." Pagpapaalam ko kay mommy. We're already graduating soon and we know that after that, there is a possibility that we won't see each other again lalo na't iba-ibang schools ang papasukan namin para sa college kaya napagdesisyunan naming magbonding habang may oras pa kami.

Well, as for me and Hero and his other brothers, magkikita't magkikita pa rin naman kami dahil our parents have decided na pagsamahin na lang kami sa iisang university.

"No! Alam mo bang prone to accidents ang mga graduating students?" I can't help but to sigh. Sanay naman na ako. Sobrang strict ng mommy ko dahil ako lang ang nag-iisang anak nila.

"Ice, payagan mo na. Just let his bodyguards join him." bodyguards... Pakiramdam ko, para akong isang aso na hindi makawala-wala sa kulungan. Kung makawala man ako, may tali naman sa leeg ko kaya parang wala din. Pero ayos na rin 'yun kaysa hindi talaga ako payagan.

"Fine." Natuwa ako nang payagan na ako kaya't napayakap ako sa kanilang dalawa. I smiled at my father to thank him for convincing my mom.

"Thank you po." Masaya kong sabi sa kanila at dumiretso na sa kwarto ko para maligo at mag-ayos na para sa pupuntahan namin mamaya.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nagulat nang makitang nakahiga na sa kama ko si Hero.

"Hero! Hindi pa ako nakabihis!" Reklamo ko dito.

"Ang tagal mo naman kasi." Nakanguso nitong reklamo. "Anyway, wear those na nasa paper bag. Pinapabigay siya sa 'yo ni Dada. Ibinili ka na rin niya noong bumili siya para sa amin." Pagkasabi niya noon ay saka ko nakita ang isang paper bag na nakapatong na sa kama ko.

"Sige na. Thank you." Sabi ko at hinintay na siyang lumabas ng kwarto ko.

Pagkalabas niya ay nagbihis kaagad ako. Isinuot ko ang binigay ni Ninong Hans na pink sando at kulay red na board shorts. Pagkabihis ko ay agad ko ring kinuha ang bag na inihanda ko na kahapon kahit hindi pa ako nakakapagpaalam kina mommy. Naramdaman ko kasing mapapapayag ko si daddy.

Nang masigurong ayos na ang lahat ay bumaba na ako.

"Umalis na sila ninang kaya tara na." Sabi ni Hero nang mapansing hinahanap ko sila mommy. Sa totoo lang, sanay naman na akong bigla na lang nawawala ng bahay ang mga magulang ko dahil kung hindi biglaang meeting, may mga kailangan namang gawin sa kumpanya. But I'm fine with it. Ayos lang sa akin dahil nakasanayan ko na rin namang ganoon palagi.

Lumabas na kami ni Hero ng bahay at alam kong nakasunod lang sa amin ang dalawang bodyguards ko.

"Baby Ivan." Mahinang sabi ni Hero para asarin ako kaya hinampas ko siya sa braso. Lagi naman niya akong inaasar na baby dahil hindi nga ako pinapayagan nila mommy kung walang bodyguards na kasama. 

"Ang bully mo talaga kahit kailan." Nakanguso kong reklamo dito na siya namang ikinatawa niya. Pero aaminin ko, kahit ganyan 'yan, mahal na mahal ko 'yan dahil siya na ang itinuturing kong best friend dahil bukod sa lagi ko siyang kasama, alam kong lagi rin siyang nandyan kapag kailanganin ko.

"Pero aminin mo na kahit lagi kitang binubully, ako pa rin 'yung pinakamahal mo sa aming apat." Kunwaring nagulat ako sa sinabi nito.

"Ha? Saan mo naman nabalitaan 'yan?" Pambabara ko rito.

"Nako, Ivan. 'Wag ka lang talagang mafa-fall sa akin." Doon na ako totoong nagulat sa sinabi niya.

"Wow! Fall kaagad? Hero, 'wag kang mangarap." Muling pambabara ko dito dahil hindi naman talaga ako mafafall sa kanya. Ayokong mafall sa kanya kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang doon.

"Hintayin mo lang, Ivan. Sinasabi ko sa 'yo, mafafall ka din sa akin." inirapan ko na lang ito sabay iling habang nakangisi. 

Sakto namang dating namin sa pinagparadahan ng van nila kaya sumakay na kami. Doon ko nakita sina Henz, Harvey at Hoven na naghihintay pala sa amin.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now