Chapter 47

1.2K 37 0
                                    

Maliwanag... Tahimik kaya't lalo kong naririnig ang ingay ng tibok ng aking puso.

Bakit? Nasaan ako? Hindi ko maintindihan.

"Ivan, bakit hindi ako?" Hindi ko nakikita ngunit alam kong si Hoven ang naririnig ko ngayon.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, Ivan? Ganoon ba tayo kalabo?" Sigurado akong si Harvey naman ang nagsasalitang iyon.

Anong nangyayari? Nasaan sila? Nasaan ako?

"Sana ako pa rin, Ivan. Sana ako na lang." Pagkasabi ni Hero ng mga salitang iyon ay sabay-sabay kong narinig ang mga paghikbi nila.

Ramdam ko ang kalungkutan ngunit hindi ako makagalaw. Hindi ako makasagot sa kanila kahit pinipilit kong ibuka ang aking bibig.

..... pero ikaw naman talaga.

Nagising ako nang puno ng pawis ang katawan dahil sa panaginip na iyon.

Hindi ko sila nakita pero bakit parang totoo? The pain, their tears, my answer. Bakit lahat parang totoo?

Bumangon ako sa kama upang tignan kung nasa labas ba sila. Ayaw kong mag-isip nang ganito. Wala sa plano kong makaramdam ng ganito.

Pagkalabas ko ay naabutan kong nanonood si Hero sa sala kasama nila Francis, Lawrence at Kyle.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Si Hoven tsaka si Henz, nagluluto sa kusina. Si River, nasa kwarto niya." Sagot ni Hero sa akin.

"Si Harvey?" Napakunot ang noo ni Hero nang tanungin ko iyon. Hindi ko rin naman alam bakit hinanap ko siya dahil sa totoo lang, wala naman akong kailangan ngayon.

"Nakita kong lumabas kanina. May kailangan ka?" Tanong ni Francis habang nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa pinapanood nila.

"Wala naman. Salamat."

Naisipan kong dalawin na lang sina Snow upang may makausap. Pagkarating ko sa dorm nila ay naabutan kong naglilinis si Snow sa sala nila.

"Kumusta naman ang player of the game?" Bungad nito sabay baba ng walis at dust pan na hawak nya. Pumasok na ako sa dorm nila at umupo sa sala.

"Sira ka!" Natatawa kong sita dito. "Nasaan 'yung dalawa?" Tanong ko nang mapansing tahimik sa dorm nila ngayon.

"Kakatulog lang. Kakauwi lang kasi namin galing sa bar. Lasing 'yung dalawang bakla so borlogs agad pagkauwi." Sagot nito. "Bakit ang aga mo namang dumalaw?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ko na rin kasi alam. Parang mababaliw na ako sa kakaisip." Pag-amin ko dito.

"Boys?" Sabi ko na nga ba't maiintindihan agad ako ni Snow. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. "Harvey and Hoven?" Dagdag na tanong nito.

"And Hero." Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. "It's not what you think, Snow. Naglabas lang ng sama ng loob sa akin si Hero kasi ever since na lumipat tayo dito, hindi na kami gaya ng dati. Ang dami nang nagbago kasi lumalaki na 'yung mundo naming dalawa." Paliwanag ko rito.

"And you're getting stressed kasi alam mong hindi pwede na sa kanya lang 'yung atensiyon mo, tama?" Tanong nito na tinanguan ko dahil tama naman siya. "Even if you'll admit it or not, alam ko namang kaya hindi ka makapili between Harvey and Hoven is because of Hero. You're silently hoping na sana si Hero na lang 'yung umamin sa 'yo para wala nang issue. And now, you're stressed because he's asking for your attention but he doesn't mean it the way you want him to crave for you. And you know, for sure, that Harvey and Hoven will get hurt kapag si Hero na naman ang pinili mo."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon