Chapter 72

760 19 0
                                    

"Tapusin na natin ngayon, okay? Mahirap na kapag umasa tayo sa game three." Bilin ni Kuya Michael habang naghahuddle kami bago magsimula ang match.

"River, Ivan, Hoven, Michael, Henz and Charles will start today." Isa-isang tawag sa amin ni coach. Ibig sabihin, iba ang game plan niya ngayon kumpara sa kahapon dahil ako ang hindi kasama noon at si Hero naman ang kasali.

"No pressure, okay?" Paalala ni River sa amin.

"Last game ko na to sa preseason collegiate conference. Tulungan tayong maging maganda ang kakalabasan nito, okay?" Hiling ni Kuya Michael sa amin.

"Para kay cap!" Sigaw ni Henz sabay taas ng kamay sa gitna naming lahat. Nagtaasan na rin ang mga kamay namin pagkatapos noon at sabay-sabay na nagsigawan. "Para kay cap!"

Maya-maya lang ay tinawag na kami dahil magsisimula na ang laban. Pumunta na kami sa court at agad kong nakita ang mga magulang namin dahil kaunti lang naman ang nanonood kahit finals na.

"Hindi pupunta si Ninong Heaven?" Bulong ko kay Henz dahil napansin kong si Ninong Hans lang ang nandoon ngayon.

"Susunod daw. Nagpunta munang resto para sa gathering mamaya." Sagot nito sa akin.

Nang makarating kami sa bench ay tumayo si Ninong Hans at lumapit sa amin.

"Kaya niyo 'yan, okay? Nandito kaming lahat to support you."

Aaminin kong sobrang saya ko ngayon dahil ngayon lang sila nanood nang buo. Nandito ngayon halos lahat ng ninong at ninang namin pati na rin sina Snow.

"Dada, baka makita ka sa camera mamaya. Strike your best pose, ah." Biro ni Henz dito kaya't natawa ako.

"Siyempre naman. Dapat ako pinakamagandang stage Dada. Apat kayong anak kong nandyan kaya ako ang pinakaproud sa lahat." Nagmamalaking sagot nito sabay hawi kunwari ng mahabang buhok kahit maiksi lang talaga ang buhok nya.

"Dada, tatlo lang kaya kami dito. Si Harvey kasama mo diyang manood." Natatawang sagot ni Henz dito.

"Anak-anakan ko rin 'yang si Ivan kaya apat sabi ko!" Mataray na sagot nito kay Henz. Na-touch naman ako kaya't nagflying kiss ako dito.

"Love you, ninong!" Sigaw ko.

"I love you too. Balik na ako doon. Mukhang magsisimula na laban niyo." Pagkasabi noon ni Ninong Hans ay dumating na nga ang mga referee.

"Parang ang sarap maging player of the game ngayon, 'no?" Tanong niya pa lang pero parang damang-dama niya nang siya ang magiging player of the game ngayon.

"Siyempre naman. Ang daming nanonood sa atin ngayon. Bonus na lang 'yang POG award." Sagot ko naman dito.

"'Wag mo masyadong galingan, okay? Bigay mo na sa akin 'to." Bahagya akong natawa dahil sa pagmamakaawa niya sa akin.

"Baliw ka. Baka matalo tayo kapag hindi ko inayos laro ko. Besides, puro POG ka naman noong wala kami ah." Pagpapaalala ko rito sa nangyari noong wala pa kami.

"Siyempre wala kayo noon kaya ako madalas player of the game. Ikaw nga diyan, bago kayo umalis, isang beses ka lang hindi naging player of the game." Pangkukumbinsi pa rin nito sa akin.

"Galingan na lang natin, okay? Feel ko naman share kami ng playing time ni Hero ngayon so malaki chance mong maging player of the game." Pinisil ko ang pisngi nito dahil ang kulit niya. Sana napagaan ko ang loob niya sa sinabi kong iyon. Hindi naman na mahalaga sa akin ngayon kung maging POG ako o hindi.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now