Chapter 69

813 32 2
                                    

Muli ay umabot sa fifth set ang laban namin. Hindi ko mapigilang hindi isipin na noong huling beses naming nakalaban ang Thailand, umabot din sa fifth set 'yon at ako ang nagpatalo sa team.

"Ivan, nagtraining ka para dito. Don't give me that face na parang takot na takot kang kalabanin sila kasi kinaya mo naman ng four sets." Sita sa akin ng coach namin bago magsimula ang fifth set.

"Last set na, Ivan. Ilaban na natin 'to!" Pagsubok ni Gerald na paangatin ang kumpiyansa ko. I gave all of them a fake smile kahit alam ko sa sarili kong hindi ako okay.

"It's all in the mind, Ivan. All in the mind." Bulong sa akin ni Jasper na kanina pa inaangat ang kumpiyansa ng buong team.

"It's okay to ask for a sub-out." Bigla kong narinig ang payo sa akin ni River. Sabihin ko kaya? Paano?

Magsasalita na sana ako ngunit biglang pumito ang referee senyales na magsisimula na ang huling set.

'Bahala na, Ivan. Kakayanin mo 'yan!'

Si Aldrin ang unang magseserve at sinenyasan ako nitong maghanda ako sa ibibigay niyang bola. Pagkaserve niya ay nasalo iyon ng libero ng kalaban kaya't saktong-sakto ang bigay nito sa setter. Kanina ko pa napapansing sa middle lagi binibigay kapag perfect receive kaya't lumapit ako sa middle blocker namin upang masara ang gitna. Tama naman sana ang basa ko ngunit sadyang matangkad ang middle blocker nila at kaya akong ibabawan kaya napalampas nito ang bola sa amin
Mabuti na lang at nandoon si Jasper upang saluhin ang bola.

Nagmamadali akong umatras nang sumenyas si Aldrin na ibibigay sa akin ang bola. Mabilis ang bigay niyang iyon kaya't binilisan ko rin ang approach ko at pinatama iyon sa blockers ng kalaban kaya't hindi nahabol ng libero nila.

Sobrang dikit ng laban namin. Bawat score namin ay babawi agad sila. Kapag nagkakaroon naman kami ng run ay babawiin nila at hahabulin agad ang score namin.

Muli akong kinahahan nang umabot sa 13-12 ang score at sila ang lamang sa ngayon. Nasa zone 1 na ako at sila ang magseserve kaya't kung makascore man kami ay ako naman ang magseserve pagkatapos.

Sumenyas si Aldrin na gawin namin ang double quick kaya't nang iserve ng kalaban ang bola ay humanda na kami para sa play. Sa akin inihagis ni Aldrin ang bola. Pagkatalon ko ay napansin kong dalawang blockers ang tumutok sa akin kaya't wala akong ibang choice kundi lakasan ang hampas kong iyon ngunit imbis na lumusot ay nablock nila ang bola. Mabuti na lang at nasa likod ko si Jasper upang saluhin ang bolang iyon.

Umatras akong muli upang maghanda kung sakaling sa akin ibigay ni Aldrin ang bola. Binigay niya ang bola kay Gerald at walang blockers na nagbantay sa kanya kaya't nakuha namin ang puntos at naidikit sa 13-13 ang score.

Pumunta na ako sa service area upang magserve. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko dahil baka hindi ko maipasok ang serve na iyon.

"It's okay to ask for a sub-out." Muli kong rinig sa boses ni River. Tumingin ako kay coach at ngayo'y mukhang pinapalakas nito ang loob ko sa tingin niyang iyon.

Kaya ko 'to.

Nang pumito ang referee ay hinagis ko na ang bola sa ere.

Pumasok ka, please!

Pinikit ko ang aking mga mata pagkatapos kong hampasin ang bola. Pagkadilat ko ay nakita kong sumakto iyon sa isang spiker nila kaya't medyo nakahinga ako nang maluwag. Mas natuwa pa ako dahil hindi nito nakontrol ang bola kaya't naging score pa namin.

Nang muling pumito ang referee ay inulit ko lang ang ginawa kong float serve. Mukhang napalakas ang palo kong iyon at akmang lalabas na ang bola ngunit bigla itong bumagsak sa dulo ng court.

Inside!

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon