Chapter 50

1.1K 37 1
                                    

Balik na naman sa dati ang lahat. Nakakulong lang ako sa kwarto dahil wala akong kasama. Lalo akong nalulungkot dahil nasanay na ako sa presensiya nila. 'Yung makukulit na sina Kyle, Francis at Lawrence, si River na matured pero nakakasabay sa kakulitan namin at lalo na 'yung quadruplets na sobra akong inaalagan kahit hindi naman kailangan.

"Good morning, Ivan." Napatayo ako sa kinahihigaan ko nang mapansin kong nakatayo sa pinto ko si Harvey.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hindi naman siya umuwi kahapon dahil nakumbinsi ko siyang hindi niya kailangang umuwi kaya nakakapagtaka kung bakit siya nandito ngayon.

"Wala rin naman akong gagawin doon. Besides, mas masaya ako kung nasaan ka. At least ngayon solo na kita." Binato ko siya ng unan dahil sa sinabi niyang iyon.

"Napakakorni mo. Alam mo 'yon?" Tawa siya nang tawa dahil sa ginawa kong iyon. "Sige na. Mag-aayos muna ako ng sarili ko."

Imbis na umalis muna ng kwarto ay lumapit pa ito sa akin.  "Kahit naman hindi ka mag-ayos, you still look good in my eyes." Humiga pa ito sa kama ko pagkasabi noon.

"Bahala ka dyan. Hintayin mo na lang ako dito. Mag-aayos lang ako saglit." Hindi ko na sya hinintay sumagot at nagdirediretso na sa cr upang maligo.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na rin ako sa loob ng cr. Nang masigurong ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng banyo at naabutang nakatutok si Harvey sa cellphone nito.

"Hindi mo pa rin pala ako finafollow back sa Twitter?" Nagtaka ako sa sinabi nito dahil alam kong nakafollow na ako sa kanya.

"Nakafollow kaya ako sa inyong lahat." Sagot ko rito.

"No. The other account. Hindi mo pa rin finafollow." Doon ko naalalang may nagfollow nga sa akin na nakapangalan kay Harvey.

"Iyo pala talaga 'yon? Wala kasing followers tapos ako lang finafollow so akala ko fake account." Paliwanag ko rito.

"It's really for your eyes alone, Ivan. Check it out."

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang profile na tinutukoy niya.

Harveyyyyy
@Harvan_
Hi.

Napakunot ako sa bio nito.

"Bakit naman 'hi' lang nakalagay sa bio mo?" Tanong ko rito.

"H and I. Harvey and Ivan. Harvan." Natahimik ako sa sinagot niya at nagpatuloy na lang na tignan ang profile niya.

Choices -
life is made for those who made a choice
and since then, it's you I want to choose

Huwag kang titingin sa iba
handa akong ibigay kahit pa ang tala
sana'y akin ka na
hindi bibitawan, 'di hahayaang mawala

"Nagsusulat ka pala?" Ang tagal ko na siyang kilala ngunit ngayon ko lang nalamang nagsusulat pala siya.

"Kapag para sa 'yo, oo. Ikaw lang naman ang kaya kong sulatan." Aaminin kong natutuwa ako dahil sa ginagawa niya ngayon. "Sa susunod ka na magbasa ulit. May pupuntahan tayo."

"Saan naman?" Nagtataka kong tanong dito.

"It's a secret, Ivan. Kapag sinabi ko na, mawawalan na ng thrill." Sagot nito.

"Hindi naman ako makakalabas ng bahay kapag walang bodyguards. Pinapabantayan na ako ni mommy ngayon." Paliwanag ko rito.

"Let them join us. Trust me, Ivan. Matutuwa ka rito."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon