Chapter 62

899 33 0
                                    

Bumalik ang sinat ni Aldrin pagtapos namin magtraining. Bakas sa bawat hakbang nya ang bigat ng pakiramdam nya kaya inalalayan ko na lang siya at nilagay ang kamay nya sa balikat ko.

"Kayo na lang, please." Sigaw ni Gerald nang muli kaming mapansin.

"Seagames loveteam! Dali na!" Gatong naman ni Ringo dito.

"Ayaw nya daw muna sa love life!" Pakikisakay ko sa biro ng mga kateam ko.

"Paano mo nalaman? Nagkaroon na ba ng confession moment kagabi?" Pang-aasar ni Ringo kaya't napailing na lang si Aldrin.

"Mga gago! Anong pinagsasabi niyo?" Natatawa nitong banat sa kanila.

"Kapag kinasal kayo, sagot ko na plane ticket." Asar muli ni Gerald.

"Bakit pa? Eh kung ngayon naman na sila ikakasal." Gatong ni Ringo dito.

"Minor pa lang kami, mga ulol. Palibhasa kayo pwede na kayo ikasal bukas." Hirit ni Aldrin. Malakas din pala 'tong makipag-asaran. Paano pa kaya kung wala siyang sakit?

"Kung may ka-loveteam lang sana ako, why not? Kaso wala." Bawi ni Gerald dito.

"Ang ingay natin. Nagtitinginan mga tao sa lobby." Suway ko sa kanila dahil nakatingin na sa amin ang ibang guests sa hotel.

"Hindi naman nila tayo naiintindihan." Sagot ni Ringo.

Mabuti na lang at dumating na ang elevator bago pa man kami sitahin sa baba.

"Ingat kayo sa room, ha. Buti na lang talaga dumating na 'yung U-19 team. Hindi na kayo makakagawa ng milagro dyan." Hindi pa rin tumitigil sa kaka-asar si Gerald at tawanan pa rin sila hanggang ngayon ni Ringo.

"Pwede pa rin naman. Two bedrooms naman so solo nila isang room. Unless, moaner sila so maririnig ng mga kasama." Gatong ni Ringo dito.

"Baliw talaga kayo. Kung ano-ano sinasabi nyo, virgin pa kaya ako." Sita ko sa kanila kahit natatawa ako sa pinagsasabi nila. Maganda na rin na magaan na ang loob namin sa isa't isa para magkaroon ng connection kahit papaano.

"Dahil sinabi mo 'yan, mamaya hindi ka na virgin." Biro ni Gerald kaya pinitik siya sa noo ni Aldrin.

Sakto namang bukas ng pinto ng elevator para bumaba na kami.

"Palibhasa hindi na kayo virgin." Pahabol na pang-aasar ni Aldrin bago kami lumabas at bumalik sa kwarto namin. "Loko-loko talaga 'yon. Wag mo na lang seryosohin."

"Gets ko naman. May sakit ka na nga, nakikipag-asaran ka pa."

"Sabi ko namang okay na ako. Medyo sumakit lang ulit ulo ko pero itutulog ko na lang 'to." Sagot nito.

Nang makarating kami sa kwarto namin ay binuksan ko na agad ang pinto upang makapasok na kami. Bumungad sa amin si Hero na sa kasalukuyang nakatutok sa microwave.

"Ivan!!!" Sigaw nito at niyakap ako pagkapasok namin.

"Kakatraining ko lang. Hindi pa ako nakakapagshower tapos yakap ka naman agad." Sita ko rito. Tuyo na ang pawis ko pero malagkit pa rin ang pakiramdam ko kaya ayaw ko muna sanang yakapin nya ako.

"Sobra kitang na-miss!" Sagot nito sa akin sabay pisil ng pisngi ko at pinanggigilan ito.

"Uhmm, shower na muna ako." Singit ni Aldrin at halata namang nahiya si Hero dahil sa ginagawa nya dahil hindi makadaan si Aldrin.

"Ikaw si Aldrin, 'no?" Tanong ni Hero na tinanguan naman ni Aldrin bilang sagot. "Hero, tol. Nice to meet you."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang