Chapter 8

4.6K 178 3
                                    

Mag-aalas otso na nang makarating kami sa restaurant. Our concerned parents welcomed us with worry in their faces.


"Mom, we're fine." I assured her. 


"Sobra kaming nag-alala. Mabuti na lang talaga at mild lang ang pagkakabangga sa inyo dahil kung hindi, hindi namin alam kung anong gagawin namin. Your daddy is also worried about you. He keeps on calling me just to get an update kung nakauwi na raw ba kayo. Gosh, Ivan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sa inyo." tuloy-tuloy na sabi nito. Nakarinig ako ng hagikgikan sa likod at nakitang tumatawa sina Henz at Hero.


"Mars, masyado mo namang binebaby 'yang si Ivan. He's already 16." natatawang sabi rin ni Ninong Hans dito. Sobrang concern kasi ni mommy sa akin at aaminin kong nagpigil lang ako ng tawa habang nagsasalita siya.


"Nag-iisa lang 'yang anak namin. Of course, I would baby him." sagot ni mommy rito. "Hindi ko na tuloy alam kung papayagan kitang magdorm sa college." nagulat ako sa sinabi niya.


"Mom? Akala ko ba napag-usapan na natin 'yun? And it's just an accident. Hindi naman namin kasalanan 'yung nangyari." hindi makapaniwalang paliwanag ko rito. It's really unbelievable na hindi na ako papayagang magdorm dahil lang sa nangyari kanina.


"Ice, your son is right. Aksidente 'yun. No one is in control of it." pagkumbinsi ni Ninong Hans kay mommy. "You know what? Pumasok na tayo sa loob. Na-stress lang tayong lahat kaya tara nang kumain." pagyayaya ni ninong.


"Siguro tama ka nga. Tara na." pagsang-ayon ni mommy rito. Pumasok na kami sa restaurant pagkatapos noon.


It was a simple yet elegant restaurant. Kaunti lang ang mga tao and they all look sophisticated and classy. Nakaramdam ako ng hiya dahil casual lang ang suot naming lima dahil kakagaling lang namin ng outing but the quadruplets doesn't seem to mind it.


Nang makarating na kami sa table ay kinuha na ang order namin. Sobra akong natuwa nang makita kong may pistachio ice cream sila dahil matagal-tagal na rin nang huling beses akong nakakain noon. 


"Ivan, ano sa 'yo?" tanong ni Ninong Hans at mukhang ako na lang yata ang hinihintay. I can't choose from the menu because they all look so delicious.


"Beef stroganoff pasta and pistachio ice cream." sagot ko rito. Besides, I can have the other meals whenever I want to.


Nang makuha na ang order namin ay nagkwentuhan na kami.


"So, how was the trip?" tanong ni ninong sa amin.


"We had fun. We really enjoyed it." sagot ni Henz dito. "We got drunk but just a little." pagkasabi noon ni Henz ay awtomatikong pinandilatan ako ni mommy.


"I didn't. Swear." pagtanggi ko.


"Kaya nga nalasing nang sobra si Hero eh. Kinuha niya lahat ng ibinibigay kay Ivan." kwento pa ni Henz. Muli ko na namang naalala ang gabing iyon. Noong umiyak si Hero na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit. Napatingin ako sa kanya at napangiti na lang ito nang magtagpo ang mga mata namin.


"Grabe ka naman sa sobrang nalasing. Hindi kaya ako nalasing." pagtatanggol ni Hero sa sarili. Sa loob-loob ko ay gusto ko na syang tawanan dahil ako ang nakakita kung gaano siya kalasing noong gabing iyon.


"Kaya pala ang sakit ng ulo mo kanina." pang-aasar pa ni Henz dito.


"Ang aga kasi ng gising natin. Tigilan mo ako Henz ah." pagbabanta ni Hero na ikinatawa naming lahat. 


"Anyway, let's talk about your college life."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now