EPILOGUE

2.5K 68 19
                                    

Umaga pa lang ay pumunta na ako sa bahay nila Ninong Hans. Mamayang hapon na ang flight namin kaya dala ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko papuntang New York.

Naisipan kong ipagluto sila ng adobo na itinuro pa sa akin ni Hoven. Nang mailagay ko na ang lahat ay umupo muna ako habang naghihintay.

Pupungas-pungas namang pumasok si Harvey sa kusina at halatang nagulat ito nang maabutan ako doon.

"Mamaya pa 'yung flight natin, ah? Ang aga mo naman." Sobra kong na-appreciate na hindi umiiwas si Harvey ngayon. He's really trying his best na mag-adjust kahit pa sa mga kapatid niya. Hindi na siya gaya ng dati na akala mo'y pinagdamutan ng mundo ng kasiyahan.

"Naisipan ko lang na ipagluto kayo. Sayang lang kasi umalis na sila ninong kanina pagkadating ko pero hindi naman 'to mapapanis." Paliwanag ko rito.

"Marunong ka na palang magluto." Kahit siya siguro ay nabigla na nakakapagluto na ako. Kung hindi lang ako pinagtiyagaan ni Hoven, marahil ay hindi rin naman ako matututo. "Bagay na bagay na kayo ni Hoven." He gave me a genuine smile after saying that. Walang halong kaplastikan ang pagkakasabi niya noon kaya sobrang gaan sa pakiramdam.

"Siya naman nagturo nito." I proudly answered. "Tapos na pala 'yung niluluto ko. Kuha ka na lang. Hahatiran ko pa kasi ng pagkain si Hoven."

"Ayos ka na ba? Bawal pang mapwersa 'yang paa mo, 'di ba?" Pagpapaalala nito. "Ako na lang magdadala sa kwarto niya o kaya pababain ko na lang siya." Suhestiyon nito. Tama nga naman siya. Paano ko nga naman mahahatid 'yon kung nakasaklay akong aakyat sa kwarto niya?

"Gising na ba siya? Hintayin ko na lang sigurong makababa siya." Sagot ko naman. Saktong pagkasabi ko noon ay may pumasok sa kusina. Akala ko'y si Hoven na ngunit si Hero pala.

"Good morning, best friend! Aga natin, ah?" Bati nito sa akin.

"Nandyan si Ivan?" Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Hoven. Bakit kaya ganoon? Kahit sanay na ako sa presensiya niya, hindi pa rin maiwasang kumabog ng dibdib ko kapag nandyan na siya.

Nang makita ko siya ay bumungad sa akin ang napakalawak nitong ngiti.

"Tuwang-tuwa? Wala naman kayong label, oy!" Asar ni Hero sa kapatid.

"Epal ka talaga." Ang sama ng tingin ni Hoven dahil sa sinabing iyon ni Hero kaya natawa kaming dalawa ni Harvey.

"Mamaya, may label na kami." Sagot ko.

Napagdesisyunan kong sagutin na si Hoven dahil wala rin namang mapapala kung papatagalin ko pa. Sabi nga ni Aldrin, I need to give him an assurance and siguro, ito na 'yong panahong hinihintay ko.

Natuwa si Hoven dahil sa sinabi kong iyon kaya't lumapit siya sa akin upang yakapin ako. Kumirot man ang sugat ko sa tiyan ay wala akong pakialam ngayon dahil ang mahalaga ay masaya kaming dalawa.

"Sinasagot mo na ako? Tayo na?" Maluha-luhang tanong nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinagot ang tanong niya sa pamamagitan ng isang halik.

Hindi ko alam kung anong kasunod na magyayari sa aming dalawa. Wala namang sigurado talaga. Sa ngayon, ang mahalaga ay alam naming nagmamahalan kami and I think it is already enough reason to believe that the future looks bright for the two of us.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now