Chapter 18

3.3K 93 1
                                    

We started our training by jogging around the place ten times. After that, we had our water break kaya naman uminom muna kami dahil halos umusok na ang baga namin dahil sa dami ng itinakbo namin.


"Do you play Cupid?" napakunot ang noo ko dahil sa itinanong ni Charles dahil bigla niya na lang iyong itinanong sa akin na hindi ko alam kung saan nanggaling.


"What do you mean?" I asked.


"Well, can you help me get the girl that I like?" mas malinaw na tanong nito. Doon pa lang ay naisip ko nang baka si Snow o kaya naman si Kylene ang tinutukoy nito dahil kasama ko sila ngayon.


"It depends. Sino ba?" tanong ko dito. 


"That girl in white. I know na kaibigan mo siya kasi nakita kong sabay kayong pumasok kanina." sabi ko na nga ba't kaibigan ko ang tinutukoy niya.


"Well, I don't play cupid." I answered on his own context. "But I can help you. Ikaw ang mag-eeffort sa kanya and all I would have to do is to help whenever you need." pagpapaliwag ko dito.


"It would be fine with me. Thank you." sagot naman nito at umalis na sa tabi ko upang kumuha na ng bola para sa training.


Sumunod naman kaagad ako sa kanya at hinanap na kung nasaan si Hero. Kami ang magpartner ni Hero dahil iyon ang napag-usapan naming mangyayari. Normal routines pa lang naman ang gagawin namin ngayon kaya't hindi kami masyadong mahihirapan. 


"Ivan, ten rounds muna tayo ng digs." sabi nito mula sa malayo at nagthumbs up ako dito bilang sagot. Inihanda ko na ang sarili ko upang magdig. Hinagis niya na ang bola at nang makarating ito sa akin ay sinalo ko ito. Maayos ko namang na-dig ang bola kaya't dumating ang bola sa kanya nang maayos din. Paulit-ulit lang namin iyong ginawa nang sampung beses at pagkatapos ay dumiretso na kami sa tossing.


Alam ni Hero na hindi ako magaling pagdating doon. Hindi ko alam kung bakit lumilihis ang bola kapag ako ang nagtoss kahit pa tama naman ang nasa utak ko. Ilang beses na rin akong tinuruan ni Hero kung ano ang dapat gawin ngunit hindi ko talaga kayang magtoss nang hindi nagdo-double. Mabuti na lang talaga ay hindi gaanong kahigpit kapag first ball ang toss. Masasabi kong kaya kong magtoss kung sakaling sa first ball matatapat ngunit kung second ball na ay hindi ko talaga nagagawa nang tama. Maya-maya lang ay inihagis na nang pataas ni Hero ang bola. Naghanda na rin ako upang i-toss ang bola at nang umabot iyon sa akin ay ginawa ko ang aking makakaya upang i-toss iyon nang maayos ngunit alam ko sa sarili kong hindi pa rin talaga maayos ang kinalabasan noon. Mabuti na lang talaga at open hitter ako dahil kung sakaling naging opposite spiker ako ay talaga nga namang malaking problema na hindi ako marunong magtoss.


Nang matapos kami sa tossing ay ginawa na namin ang pinakahuli sa basic training - ang spiking. Hindi namin kailangang tumalon. Ang kailangan lang naming gawin ay hampasin ang bola nang malakas at patalbugin iyon sa sahig upang umabot sa kasama. 


Hindi naman kami nahirapan ni Hero pagdating sa spiking dahil parehas naman naming kaya iyon. Pagkatapos namin sa spiking ay pumunta muna kami sa bench upang magpahinga saglit habang hinihintay matapos ang iba pa. 

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now