Chapter 55

1.1K 33 2
                                    

Napagdesisyunan ng team na kumain sa labas upang mas makilala pa namin ang isa't-isa. Pagkatapos noon ay pinauwi na rin kami ngunit hindi ako nakaligtas kay Aldrin na talaga namang gustong malaman kung anong nangyari sa akin.

"Love life, 'no?" Tanong nito.

"Family, friendship... love. Hindi rin kasi malinaw sa akin." Pagsisimula ko. "Pinanganak na nga yata akong halos lahat ng restrictions, meron ako. Muntik pa nga akong hindi matuloy dito sa national team dahil sa restrictions na hindi na reasonable minsan." Dagdag kong kwento rito. Hindi pa kami ganoong magkakilala pero ang gaan na agad ng loob ko sa kanya.

"Seryoso ba? Sobrang higpit naman." Reaksyon nito sa kinwento kong 'yon.

"Sa sobrang higpit, pati 'yung taong nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako, iniwasan na ako." Dagdag kong kwento rito.

"Is this another Wattpad-ish story na pinalayo 'yung lalaki kasi ayaw ng mga magulang?" Tanong nito.

"It seems like it. Pero sabi kasi ni mommy, she wants me to lessen my distractions pagdating ng college. Pinaglaban ko lang naman 'tong volleyball kasi gusto ko talagang maglaro." Patuloy kong pagkkwento rito. "And that guy... Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako ngayon, naiinis o nagagalit. Nananahimik naman kasi ako, e. Siya naman 'tong nagpumilit na kilalanin ako tapos ngayong magaan na ang loob ko sa kanya, iiwan niya na lang ako sa ere dahil lang sinabihan siya ni mommy. Ni hindi man lang niya ako pinaglaban." Naalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga.

Hindi na siya sumagot kay mommy pagkatapos noon. Naghihintay ako ng magsasalita sa kanila pero wala nang umimik pa. Papasok na sana ako sa kusina nang lumabas si Harvey. Tinitigan niya ako sa mata at ramdam kong nalulungkot din siya pero ni isang salita, walang lumabas sa bibig niya. Binigyan niya ako ng isang mapait na ngiti bago naglakad muli papalayo sa akin.

"I may not understand your mother's logic pero naiintindihan ko 'yung taong tinutukoy mo. If someone truly loves you, irerespeto niyan pati mga magulang mo. While I understand your pain dahil hindi ka niya ipinaglaban, reasonable din naman yata 'yung ginawa niya." I smiled bitterly dahil sa sinabi niyang iyon.

"See? Napakaunfair. Halos lahat ng nangyayari sa buhay ko, dapat may consent nila. Kahit mga bagay na ako lang dapat magdesisyon kasi ako naman 'yung masasaktan, sila pa rin 'yung nasusunod." Paglabas ko ng sama ng loob sa kanya. "Alam naman niya noong una pa lang na nabubuhay ako ng puno ng restrictions. Kilala naman niya si mommy ever since bata pa lang kami but he still dared. He made me feel na handa niya akong ipaglaban. He made me feel that I am worth pursuing for. Pero ang bilis naman niyang tumiklop sa isang sabi lang ni mommy sa kanya." Naramdaman ko ang luhang tumulo mula sa aking mata.

Ganoon na ba kasakit? O nahulog na ako sa kanya?

"Kahit ako naman siya, kapag mommy mo na ang nagsabi, titigil na din ako. But it doesn't mean na hindi kita mahal o hindi ka mahalaga, ha. I respect your mother the way I respect you. And if a guy cannot respect your mother, he's not worth your chance." He's actually making a point. Ganoon din kaya ang nasa isip ni Harvey? "Kung mahal ka niya, sigurado akong nasasaktan din siya ngayon sa nangyayari sa inyo. Let time heal the pain and mag-usap kayong dalawa kapag hindi na mabigat. Kung pipilitin niyo kasing mag-usap ngayon, baka lalo lang lumala ang nararamdaman niyo."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant