Chapter 22

2.9K 89 0
                                    

Sobrang bilis ng panahon. Isang linggo na lang ay matatapos na ang summer training at malalaman na kung sino ang makakasama sa team a at team b. Malapit na rin kaming sumabak sa isang volleyball league kaya sobrang magiging masaya ako kapag nakasali kami sa team.


Naging maganda ang gising ko ngayon dahil wala kaming training at birthday na namin bukas. Napagdesisyunan kong magpunta sa mall para bumili ng regalo para sa apat at para na rin i-relax ang sarili ko dahil these past few days, sobrang intense na ng training namin. Hindi na rin masyadong sumasakit ang hita ko gaya noon pero buong katawan ko naman ang sumasakit ngayon.


Ang una kong ginawa sa mall ay magpa-whole body massage. Sobrang sarap ng pakiramdam ko pagkatapos noon dahil nabawasan ang pananakit ng katawan ko. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako para bumili ng ireregalo sa kanila. Sa totoo lang, hindi ko pa alam ang ibibigay ko dahil sa sobrang tagal naming magkakasama, naibigay ko na yata sa kanila lahat ng posibleng maibigay ko.


But one thing caught my attention. Nakita ko ang malalaking laruan na Ninja Turtles. Bata pa lang kami, I always associate them with those characters dahil bata pa lang kami, sila na ang nagsilbing super hero ko. Ipinagtanggol nila ako sa mga nang-aaway sa akin kagaya ng ginagawa ng mga Ninja Turtles. Napangiti ako dahil nakita ko iyon kaya't kumuha ako ng tig-iisang laruan sa bawat isang character. Mabuti na lang din ay may gift wrapping na dito kaya hindi na ako mag-aabala pang magbalot mamaya. Ipinalagay ko ang pangalan nila sa bawat isang character. Si Leonardo ang ibibigay ko kay Hero dahil sa Ninja Turtles, siya ang tumatayong leader nila. Si Michelangelo naman ang ibibigay ko kay Henz dahil gaya niya, siya ang comedian sa kanilang apat. Si Donatello naman ang kay Hoven dahil para sa akin, siya ang genius sa kanilang apat. At si Raphael naman kay Harvey dahil bad boy din siya gaya nito.


Nang matapos ibalot ang mga regalo ay umuwi rin ako kaagad ngunit nagulat ako nang tahimik na dorm ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa orasan at nakita kong ala una na ng hapon at sa mga ganitong oras ay maingay na ang dorm namin ngunit tahimik talaga ngayon.


"Nandiyan ka na pala. Hindi ka raw sumasagot sa mga tawag sa 'yo kanina." tinignan ko nang mabuti ang nagsalita. Sigurado akong si Harvey iyon kaya nagtaka ako kung bakit niya ako kinakausap. Napatingin naman ako kaagad sa aking cellphone at nakita ang mahigit dalawampung tawag ni Hero. 


"Hala? Hindi ko naman narinig 'to kanina." bulong ko. "Bakit siya tumawag? Alam mo ba kung bakit?" tanong ko kay Harvey.


"Nandito raw si Dada kanina. Since bukas na ang birthday natin at may training bukas, ngayon na lang daw i-cecelebrate. They are currently on their way to Enchanted Kingdom. Sabay na lang daw tayo pumunta." napatulala ako dahil sa haba ng sinabi ni Harvey. Iyon na ata ang pinakamahabang nasabi nito sa akin sa buong buhay namin. "Hey." bumalik ang ulirat ko nang pumalakpak siya sa harap ko.


"Ah, sige. Hintayin mo ako magbibihis lang ako."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant