Chapter 49

1K 38 0
                                    

Magpapahinga na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"Hello mommy?" Bungad ko.

"Seriously, Ivan? Ano 'tong sinabi ng ninong mo na parte ka na ng national team?" Nagtaka ako dahil imbis na maging masaya ay parang galit siya dahil sa nangyaring iyon.

"Yes, mom. Kakasabi lang po sa amin ni coach kanina." Paliwanag ko dito. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko dahil paniguradong yari na naman ako sa isang maling sagot lang.

"And you said yes, Ivan?" Doon ko nakumpirmang galit nga talaga siya.

"Mom, it's not even a question. May problema po ba?" Tinanong ko na. Hindi ko talaga makita kung anong mali sa pagiging miyembro ng national team kaya't hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya.

"I'm so disappointed, Ivan. Sinabi mo sa aking naiintindihan mo ang responsibilidad mo. Someday, you'll be a businessman and there's no way na magagamit mo ang pagiging volleyball player to be a successful one. Pinayagan kitang maglaro sa college because your ninong and your father convinced me to allow you enjoy your college life. But why did you accept the national team offer? Sa tingin mo, ganoon ka na kagaling? Na kakalimutan mo na ang pag-aaral mo dahil mas magfofocus ka dyan sa volleyball na yan?" Hindi ko napigilang maiyak dahil sa sinabi ni mommy. Sobrang bigat sa loob na hindi niya magawang matuwa dahil sa achievement ko at mas mabigat sa loob na hindi siya nagtiwalang kakayanin ko. "No questions asked, Ivan. Pack your things and I'll send our driver tomorrow to pick you up."

Pagkababa ng tawag ay lalong napalakas ang pag-iyak ko. Sobrang higpit talaga niya sa akin simula noong bata pa lang kami. Hindi pwedeng ganito, hindi pwedeng ganyan. Buong buhay ko, siya na ang nagkontrol.

Napatigil ako sa kaiiyak nang may kumatok sa pinto ko. Magpapanggap sana akong natutulog na ngunit nagsalita ito.

"I know you're not asleep, Ivan. Buksan mo 'tong pinto, please." Boses ni Harvey ang narinig ko.

"Matutulog na ako, Harvey." Sagot ko rito ngunit mas lalo nitong nilakasan ang pagkatok ng pinto ko.

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo 'to binubuksan!" Sigaw nito.

Paniguradong maririnig siya ng mga kasama namin kaya't napilitan akong bumangon at buksan ang pinto ko.

"Bakit ba kasi?" Tanong ko rito nang mabuksan ko na ang pinto ko.

Hindi siya nagsalita ngunit pumasok siya nang kwarto ko at niyakap ako nang mahigpit. Dahil doon, muli na naman akong naiyak.

"I am here, Ivan. Anong problema?" Tanong nito habang nakayakap pa rin sa akin.

"Bukas, uuwi na ako sa amin." Maikling sagot ko rito sabay iyak muli.

"I don't know what your reason is pero sasamahan kita." Bulong nito.

"You don't have to, Harvey." Pagpigil ko rito. "Magtataka sila bakit pati ikaw mawawala."

"Mahalaga pa ba kung anong sasabihin nila? Gusto ko, okay ka. Kung ano man 'yang dinidibdib mo ngayon, gusto kong kasama mo ako na ayusin 'yan. I won't let you drown on your own, Ivan."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon