Chapter 12

4K 140 12
                                    

Nagsimula na ang try-outs. Kasama ko sa team si Hero kaya kahit papaano ay medyo magaan ang pakiramdam ko sa team ko at hindi na ganoon kalaking adjustments ang gagawin ko.


"Ako nga pala si Ivan. Open spiker ako." pagsisimula ko sa pagpaplano namin. "Kayo? Anong positions niyo?" tanong ko sa kanila.


"Ako naman si Charles. Middle blocker ako and mahilig ako sa mga running hits." sunod namang sabi ng lalaking sobrang tangkad. No doubt na middle blocker talaga siya dahil sa height niya.


"Ako naman si Hero and I play the opposite part." pagpapakilala ni Hero. Marunong kasi siyang magset ng bola kaya bagay talaga siya sa opposite na position. 


"Hi. Ako si James. Outside hitter naman ako." mukhang mahiyain siya at hindi naman maiiwasang mahiya talaga lalo na kung bago lang ang mga kasama mo.


"My name is Paulo. Middle din ako pero mas forte ko naman ang mga quick hits." nagulat ako nang sabihin niyang middle siya. Masyado siyang maliit para maging middle blocker. Siguro ay nasa 5'6 lang ang height niya kaya nakakagulat talaga pero baka naman mataas siyang tumalon kaya nagmiddle siya.


"Ako naman si Franco. Libero ako pero hindi pa ako ganoon kasanay magdig ng bola kaya sana, magtulungan tayo." pagpapakilala nito. And finally, our last player.


"Well, yeah. I'm River and I'm a setter." pagpapakilala nito sa amin. His presence shouts authority. Talagang irerespeto mo siya lalo na kung alam mong siya ang Pilipinong nagdala ng bandila ng Pilipinas sa ibang bansa. "I don't know much about you but I will try my best to give you the sets perfect for you."


Pagkatapos naming magpakilala sa isa't-isa ay nag-usap na kami upang mas malaman pa ang gagawin mamaya. Kasali kami sa second game at malapit nang matapos ang una kaya naman nag-usap na rin kami tungkol sa positioning. Katabi ko si Charles na sa zone 3 magsisimula at si River na sa zone 1 naman. Ibig sabihin, maaaring una akong magserve o kaya pangalawa kung kami ang unang magseserve. Katabi naman ni Charles si Hero na nasa zone 4 at si James ang sa zone 6. Napagdesisyunan din naming si River ang magiging captain ng aming team at wala namang umangal dito. 


Nang matapos ang unang game ay naghanda na kami. Muli kong inistretch ang hita ko bago magsimula upang maiwasan magkainjury. Maya-maya pa ay tinawag na kami kaya't pumwesto na kami. Sa kasalukuyang kausap ng assistant coach na sa ngayo'y  tumatayong referee sina River at ang captain ng kabilang team. Pagkatapos ay nakita naming nagtoss coin sila at sumenyas sa amin si River na mauuna raw magserve ang kabilang team.


"Okay guys. Let's do this." sigaw ni River at humanda nang ireceive ang bola. 


Pagkapito ng referee ay nagserve na ang kalaban at isinakto ito kay River. Tatakbo na sana si Franco upang i-set ang bola ngunit inunahan na ito ni Hero at bumwelo na ako upang hampasin ang bola. Sa akin niya inihagis ang bola at nang makitang may mga blockers na nakaabang ay hinampas ko ang bola papuntang zone 1. Nasalo ito ng kalaban ngunit hindi niya nakontrol ang bola kaya't wala nang nakahabol nito.


"Nice one!" sigaw ni Hero sa akin. Tumakbo ako papalapit dito at nakipag-apir sa kanya. Ganoon din ang ginawa ko sa aking mga kagrupo.


Ako na ang magseserve. Pagkapito ng referee ay hinagis ko na ang bola sa ere at tumalon upang magjump serve. Muli ko itong dinala sa zone 1 at sa pagkakataong ito, nasalo na ang bola nang maayos. Nakagawa sila ng play ngunit nasalo rin naman ni Franco ang bola ngunit mukhang lalagpas ito ng net. Nagulat kami nang biglang tumakbo si Charles at pinekeng i-set ang bola ngunit hinampas niya ito nang sobrang lakas. Walang nakasalo sa mga kalaban kaya muli ay nakuha namin ang puntos.


========================================================================================================================

Author's Note: Ang unang makakasagot sa tanong na ito ay makakakuha ng dedication sa next chapter ng story. (Asahan niyong may mga ganitong susulpot paminsan-minsan)


Sino ang ama ni River? (Clue: Character sa Living With the Four Gangsters)

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon