Chapter 53

1.1K 39 1
                                    

Alas tres pa lang ay gising na ako dahil maaga ang training namin ngayon. Naligo kaagad ako at nag-ayos ng mga dadalhin sa training bago bumaba.

Nagtaka ako dahil pababa pa lang ako ay umaakyat na ng hagdan ang aming kasambahay.

"Sir, nandyan po pala si Ma'am Ice sa kusina kasama ni sir Harvey." Nagtataka ko siyang tinignan dahil hindi ko naman sinabi kay Harvey na maaga ako ngayon kaya't paano niya nalamang maaga ako aalis?

"Sige po. Salamat po." Sagot ko rito at dumiretso na sa kusina upang kumpirmahing nandito nga si Harvey at nakumpirma ko nga ito dahil narinig ko silang nag-uusap kahit malayo pa lang ako.

"Harvey, how sure are you about my son?" Rinig kong tanong ni mommy kay Harvey. Nang malaman kong ako ang pinaguusapan nila ay pinili ko na lang na 'wag munang dumiretso.

"Sabi nila, kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para sa kanya." Mabulaklak na sagot ni Harvey. "Nandon na po ako sa parteng 'yon, tita." Aaminin kong nakaramdam ako ng kilig sa maiksing sagot na iyon ni Harvey.

"You're too young, Harvey. What do you know about love?" Nang sabihin iyon ni mommy ay nakaramdam na ako ng kaba. Ito na ba 'yong napapanood ko sa pelikula? Paglalayuin na ba kaming dalawa kasi masyado pa kaming bata?

"I maybe too young, tita, but I know love when my heart failed to avoid this feeling no matter how hard I convinced myself before." Sa tono ng boses ni Harvey ay ramdam kong alam niya na ang gustong mangyari ni mommy kaya pinaparamdam nyang seryoso siya sa akin.

"You'll know love when you become a parent, Harvey. That kind of love when you want nothing but security for your child. That's the love I have for Ivan, Harvey. And I hope you'll understand someday why I am asking you to stay away from him." Nanghihina ako ngayon dahil sa sinabi ni mommy. My heart wants to hug Harvey right now kasi alam kong nasasaktan sya sa sinabi ni mommy but I can't. I just can't.

"When you love someone, it's innate for you to protect that person. I'm willing to protect your son by all means, tita. I'm willing to secure him just to secure his heart. 'Wag naman po sanang ganito." His voice cracked and from that moment, nakumpirma kong ang bigat ng loob ni Harvey ngayon.

"I want my son to focus on his future. You told me how bad he loves playing volleyball and that you really want him to continue playing, right?" Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nadamay ang paglalaro ko ng volleyball ngayon. Isang mahabang diskusyon na naman ba ito kung bakit dapat ako payagan?

"Yes, tita. If you'll watch him train live, malalaman niyo po ang sinasabi ko." Pagtanggol sa akin ni Harvey.

"I will allow him to play volleyball. No ifs, no buts. I won't meddle with his passion anymore, Harvey. I might even support him in one condition, Harvey."

"Anything, tita."

"Stay away from him."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now