Chapter 60

972 27 2
                                    

Dahil gabi kami nakarating sa Bangkok, hindi na muna kami pumasyal at napagdesisyunan nang dumiretso muna sa hotel na titirahan namin sa Nakhon Ratchasima. Tatlong oras pa raw ang biyahe mula Bangkok hanggang doon.

"Akala ko pa naman makakapagpahinga na tayo." Bakas sa boses ni Aldrin ang antok at pagod dahil 10:45 na ng gabi ngayon. Hindi siguro siya sanay magpuyat. Mabuti na lang at nasanay ako sa kadaldalan namin nila Snow kaya kaya ko pang manatiling gising ngayon.

"Tulog ka na lang sa shuttle papunta doon. Three hours din 'yon." Suhestiyon ko.

"So, ala-una na tayo makakarating sa hotel. Hindi pwedeng matulog ako dahil baka mawala antok ko tapos pagdating doon, hindi na ako makatulog." Dagdag nito. Gusto kong matawa dahil ang cute niya kapag nagrereklamo pero baka mainis siya lalo dahil sa pagtawa ko.

"Then stay awake. Hindi rin ako matutulog sa byahe. Daldalan na lang tayo para hindi ka makatulog." Suhestiyon kong muli.

"Mukhang ganoon na nga. Nasaan na ba 'yung shuttle?" Nakasimangot na tanong nito habang nakaupo sa maleta niya.

"Paparating na 'yon. Chill ka lang." Sinubukan kong pakalmahin siya kahit hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.

Maya-maya pa ay nakita kong lumapit ang isang organizer sa coach namin at matapos noon ay tinawag na kami upang sumakay sa shuttle.

"Sabi ko sa 'yo, eh." Kahit na dumating na ang shuttle ay matamlay pa rin ang kilos ni Aldrin. Hindi niya na siguro mapigilan ang antok niya.

"Tabi tayo, ah." Bilin nito bago kami makasakay.

"Oo naman. Wala naman akong ibang kaclose dito maliban sa 'yo." Sagot ko rito.

"Ouch. So hindi pa friends tingin mo sa amin?" Tanong ni Gerald na nasa likod namin ngayon. Siya rin ang inatasang maging captain dahil dati na siyang miyembro ng U-19 team.

"Uy. Friends naman pero siyempre mas close kami ni Aldrin since kami lagi magkasama." Pagpapaliwanag ko.

"Joke lang, Ivan. Napakaseryoso mo naman. Naiintindihan naman namin." Natatawang sabi nito kaya napilitan rin akong tumawa upang makisama.

Sumakay na kami sa shuttle at naupo kami sa gitna. Kami ni Aldrin ang magkatabi at nang umupo na rin siya ay naramdaman ko ang init ng balat niya.

"May lagnat ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Masakit ulo ko tapos nagiginaw ako. Akala ko dahil lang sa aircon kanina." Hindi ako nakatiis at hinawakan ko na rin ang noo at leeg niya pagkatapos noon.

"Ayieee. Ang aga namang love team nito." Sigaw ni Gerald kaya't nagtinginan sa amin ang mga ka-team namin.

"'Yun oh! SeaGames baby na yata 'yan mamaya." Dagdag na asar ng isa pa naming kateam.

"Sila pa naman magkasama sa room mamaya." Gatong ng isa pa.

"'Wag ka na lang makinig sa kanila. Naglilibang lang 'yan kasi inaantok na din." Bulong nito sa akin. Ako nga dapat ang magsabi sa kanya noon dahil siya itong masama ang pakiramdam. Wala din naman sa akin kung tuksuhin kaming dalawa dahil alam naman namin ang totoo.

"Sandali. May gamot yata ako sa bag. Kunin ko lang."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now