Chapter 37

1.3K 54 3
                                    

Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa pinto ko kaya't padabog akong bumangon sa kama at nakabusangot ang mukhang binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang napakalaking yakap ni Henz na ngiting-ngiti pa habang pumapasok ng kwarto ko.

"Good morning, Ivan!" Malakas na boses nitong bati sa akin na aaminin ko namang nakawala ng inis ko.

"Anong meron?" Tanong ko. "Baka magising sila."

"Kanina pa kami gising at alam naming ikaw ang nag-asikaso sa amin kagabi kaya nagkaroon kami ng sapin at unan sa sala." Paliwanag nito.

Pagkatapos maglabas ng hinanaing ni Harvey kagabi ay pumasok ito sa kwarto niya. Aaminin kong sobrang bigat sa loob ng nalaman ko dahil sobrang sama ko pala kay Harvey kahit na hindi pala dapat. Ipinagpatuloy ko lang ang pagliligpit at paglilinis ng sahig at pagkatapos ay kinuha ko lahat ng unan at kumot nila upang makatulog sila nang maayos sa sala.

"Sira. Wala 'yon. Nasaan sila?" Tanong ko dahil hindi ko rinig ang ingay sa sala kung nandoon man sila ngayon.

"Nasa kusina. Nagluluto si Hoven ng sopas para daw mahimasmasan kami and para may breakfast tayo." Napangiti ako sa narinig ko. Talagang okay na yata si Hoven at mukha namang nagkaayos na sila ni Hero dahil magkatabi sila noong naabutan ko kagabi. "O siya. Una na ako doon. Sunod ka kaagad, ha?" Akmang paalis na siya nang hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong.

"Si Harvey?" Halatang nagtaka si Henz dahil sa tanong kong iyon. Sa tagal kong inis kay Harvey, nakakapagtaka naman talagang bigla akong naghanap sa kanya.

"Nasa kusina rin ngayon." Sa tono ni Henz ngayon ay mukhang nahalata niyang may nangyari kagabi. "May dapat ba akong malaman?"

"Sira! Kagabi kasi, wala na siya noong naabutan ko kayo. Hindi ko na chineck sa kwarto niya so hindi ako sure if nandito siya sa dorm." Pagsisinungaling ko na sana'y paniwalaan niya. "Wag kang issue diyan, Henz."

"Luh? Issue agad? Nagtatanong lang ako dito." Natawa ako dahil naalala ko ang nangyari sa kanila ni Hoven sa court kahapon. "Sige na. Sunod ka na lang sa kusina."

Mukha namang hindi niya na ako tatanungin ulit tungkol kay Harvey kaya nakahinga na ako nang maluwag pagkaalis niya.

Nagsuklay muna ako ng buhok at nagpunas ng mukha bago lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo upang magtoothbrush at maghilamos. Nang masigurong ayos nang humarap sa tao ay pumunta na ako sa kusina.

"Good morning, Ivan. Thanks for taking good care of us last night." Bungad ni Lawrence pagkakita sa akin.

"Thanks for the pillows and blankets, Ivan. Very much appreciated." Dagdag ni River dito.

"Sobra talagang mag-alaga 'yan si Ivan kaya love na love ko 'yan, eh." Sabi ni Hero sabay lapit sa akin upang yakapin ako. Maya-maya lang ay dumagdag pa si Henz sa yumayakap sa akin kaya't pinilit ko nang kumawala.

"Sabi niyo tutulungan nyo akong magluto. Hindi niyo pa hinihiwa hotdogs." Pagtulong ni Hoven sa akin na makawala sa yakap ng dalawa kaya naman bumitaw na sila at bumalik sa kaninang ginagawa nila.

"Galit ka ulit?" Biro ni Henz nang makalapit dito kaya't nagtawanan kaming lahat ng nasa kusina maliban kay Harvey.

Nang magtama ang aming mga mata, agad siyang umiwas ng tingin.

"Harvey, okay ka lang?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko upang itanong 'yon. Bakas sa mukha nila Hero at Hoven ang pagkagulat sa ginawa kong iyon ngunit parang sanay na si Henz sa ganoong sistema.

"I'm good." Tipid na sagot nito. Tumahimik ang paligid at doon ko narealize na maling nagtanong ako kay Harvey nang ganon. "Yosi lang ako sa terrace."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now