Chapter 79

865 26 0
                                    

"Seryoso ka? Baka pagalitan tayo ng mommy mo kapag bumalik sila tapos wala ka sa kwarto." Nag-aalalang sagot ni Aldrin nang makiusap akong dalhin ako sa kwarto nila Hero.

"Hapon pa sila babalik. If ever man na mahuli tayo, wala namang masama sa gagawin natin. Gusto ko lang talagang makita sila Hero kaya please, pagbigyan mo na ako." Sinubukan kong magpacute sa kanya ngunit miski ako ay natawa sa ginawa kong 'yon.

"Napakapasaway mo talaga." Muli akong natawa dahil tumalab sa kanya ang pagpapacute ko. "Palibhasa hindi ka makahirit kay Snow nang ganyan kasi alam mong papagalitan ka."

Nakakatuwang isipin na dahil sa pagbabantay sa akin, mas nakilala ni Aldrin ang mga kaibigan ko. Ni hindi siya kailanman na-out of place dahil hindi pinaramdam nila Snow na iba siya.

"Dali na, please? Saglit lang talaga." Pagmamakaawa ko upang payagan niya na ako.

"Oo na. Basta saglit lang." Pagpayag nito kaya't nayakap ko siya nang wala sa oras. "Kunin ko lang 'yung wheelchair."

Nang makuha niya na ang wheelchair ay inalalayan ako nitong tumayo. Aaminin kong kumikirot pa rin ang tiyan kong natamaan ng bala at ang hita kong sinaksak nang malalim.

Sinamahan ako ni Aldrin hanggang sa makarating ako sa kwarto kung nasaan sina Hero, Henz at Hoven.

"Ivan!" Sigaw ni Henz nang makita ako kaya nama't nagising si Hero maging si Harvey na nagbabantay sa kanila.

"Sige, Ivan. Labas na muna ako." Pagpapaalam ni Aldrin nang mapasok niya na ako sa loob.

"Salamat, Aldrin. I owe you one." Nagpaalam din siya kina Henz bago lumabas ng kwarto.

"Sobrang nag-alala ako sa 'yo! Kumusta ka?" Bumangon mula sa pagkakahiga si Hero pagkasabi niya noon.

"Bawal pa akong maglakad kasi bawal daw mapressure 'yung paa ko. Tapos itong tiyan ko, kumikirot pa rin pero ayos lang naman." Pagkkwento ko rito. "Kayo? Anong nangyari? Bakit napuruhan kayo?" Kung sinugod silang tatlo sa ospital, ibig sabihin ay may nangyari rin sa kanila.

"Natamaan si Hero pati si Henz sa paa. Si Hoven, medyo malapit sa dibdib 'yung tama kaya hindi pa rin nagigising hanggang ngayon." Paliwanag ni Harvey. Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang iyon. Kaya pala may makina sa tabi ni Hoven ngayon.

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha at lapitan si Hoven dahil doon. Hindi sana nangyari 'to kung pumasok lang ako kaagad.

"Anong sabi ng doctor? Magigising naman siguro si Hoven, 'no?" Nanginginig ang kalooban ko ngayon. Sobrang naaawa ako kay Hoven kasi hindi naman sana niya sinapit 'to.

"Stable naman na condition niya. Kailangan lang ng tulong para makahinga nang maayos kasi hirap daw siyang makahinga." Si Henz naman ang nagpaliwanag ngayon. Mabuti na lang at ayos lang si Hoven dahil sobrang sakit isiping napahamak siya dahil sa pagligtas sa akin.

"Balitaan niyo ako kapag nagising na siya, ah?" Pakiusap ko sa kanila. Niyakap ko si Hoven kahit nakaupo ako sa wheelchair dahil baka sakaling makatulong kapag nalaman niya ang sasabihin ko ngayon. "We'll fight through this, Hoven. I need you to fight for us. Hindi mo naman ako iiwan na lang basta, 'di ba?"

Hindi pareho ang pinaramdam sa akin nina Hoven at Harvey. Harvey made me feel that he is ready to do everything to make me happy. He is that boyfriend material na alam mong handa kang i-spoil para magstay ka lang sa kanya. But Hoven... He was there when I was left hanging. Noong mga panahong nararamdaman kong hindi ako worth it na ipaglaban, binalikan niya ako to make me feel that I shouldn't feel that way. Hindi siya gaya ni Harvey na nagyayang lagi kaming lumabas dahil lagi kaming busy but he always makes sure na hindi ko mararamdamang mag-isa ako.

And with that, I know he deserves my yes.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon