Chapter 54

1.1K 41 6
                                    

"Bad day?" Tinabihan ako ni Aldrin habang umiinom ako ng tubig.

"Huh?" Tipid kong sagot dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"I've watched your games before tapos pinag-aralan ko kung anong sets ang komportable ka at kung saan ka mas magaling. Ginawa ko na lahat ng sets na gusto mo pero ang off pa rin ng approach mo, eh." Pansin nito. Halos wala nga ako sa sarili habang nagttraining kanina kaya't hindi ko mahampas nang maayos ang bola. "Personal problem?" Tanong nito.

"Sorry. Hindi lang talaga ako makafocus ngayon dahil sa iniisip ko." Pagpapaumanhin ko rito. Ganoon na pala yata kalala talaga dahil kahit ang taong hindi ako kakilala, napansin nang may kakaiba sa akin.

"One great hack in playing volleyball is to divert your emotions towards the ball. Galit ka? Ihampas mo. Malungkot ka? Ihampas mo. Naiinis ka? Ihampas mo. Masaya ka? Ihampas mo. Kahit ano pang nararamdaman mo, ihampas mo. Trust me, it will work." Payo nito sa akin. Actually, it makes sense. Sa tingin ko, malaki ang maitutulong sa akin ng sinabi niya. "But nothing's better than letting it out. If you want, I can listen to you after this training. Promise, I won't judge."

Alam kong kailangan ko ng kausap ngayon. If this was a normal story to tell, siguradong natawagan ko na si Hero kanina upang ikwento sa kanya ang nangyari. Malaking tulong na rin yatang nasa ibang mundo ako ngayon upang may masabihan ng nararamdaman ko.

"Thank you, Aldrin." Hindi pa man kami nag-uusap tungkol sa nangyari ay napagaan niya na kaagad ang loob ko.

"Back to training?" Nagulat ako nang iabot nito ang kamay nito sa akin. Nahiya naman akong tanggihan iyon kaya't ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya bago sumagot.

"Game!"

Aaminin kong naging malaking tulong ang sinabi niya sa akin dahil bumalik ang wisyo ko at nahahampas ko na nang maayos ang bola. Miski ang approach kong hindi ko magamay kanina ay naayos ko na rin.

Matapos ang spiking drills ay nagkaroon kami ng practice match na kami-kami ang magkakalaban. Opposite spiker ang pinalaro sa akin ng coach namin. Magkalaban kami ni Aldrin ngayon kaya't ibang tao ang nagseset para sa akin.

Karamihan ng sets na ibinibigay sa akin ay puro high ball lang ngunit nagagawan ko ng paraan upang mapatay ang bola. Nanalo ang team nila Aldrin dahil aaminin kong magaling talaga siyang setter. Kaya niyang makipagsabayan kay River na isa pang sobrang galing.

"Hindi mo naman kailangang hampasin nang malakas lalo na kapag napansin mong walang coverage ang kalaban kapag nagdrop ball ka. Nakita na nila kaninang malakas kang pumalo sa spiking drills kaya nakaabang lahat ng kalaban mo sa long ball. Puro high ball ang binibigay sa 'yo kanina para magawan mo ng paraan at makita mo ang kalaban pero nilalakasan mo pa rin kaya madalas, may nakakasalo ng bola mo." Puna ng assistant coach namin sa laro ko kanina. Nadala siguro ako ng emosyon dahil sa sinabi ni Aldrin kaninang ibuhos ko ang emosyon ko sa paghampas ng bola.

"Okay po, coach. Bawi po ako sa susunod." Sagot ko rito.

Muli ay pumunta ako sa bench upang uminom ng tubig at muli kong nakausap si Aldrin.

"Ang bigat pala talaga ng nararamdaman mo, 'no? Halos lahat ng palo mo kanina, puro solid. Ramdam ko 'yung inis, 'yung galit, o kung ano mang emosyon ang meron ka pa diyan. Sobrang solid, Ivan." Pansin nito sa naging laro ko kanina. "I wish I could help you lessen your pain."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon