Chapter 2

9.5K 299 4
                                    

"Hi Ivan." bati sa akin ni Tanya pagkadating namin. Halos madami na rin silang nandito ngayon and some are already having fun at the pool.


"Hello. Kanina pa kayo nandito?" bati ko pabalik. Ang mga babae ay nag-aayos ngayon ng mga lamesa at ang mga lalaki naman ay abala sa pagluluto ng mga pagkain.


"Yes. But it's fine naman. Sobrang layo naman kasi ng place na 'to." she answered as she prepare one of tables.


"And it's actually traffic." dagdag ko sa sinabi niya. Imagine, it was supposed to be a three hour trip from our home and we are supposed to be here an hour ago if that's the case but because of the traffic, we had a four hour trip.


"Week end kasi. Baka madaming umuwi ngayon na nag-aaral sa Manila." Now I understand why. "Anyway, akala ko ba kasama mo sila Hero?" she asked. Napalingon ako sa paligid ko only to find out na iniwan pala nila ako.


"Kasama ko sila kanina. Hindi ko alam kung saan na sila nagpunta ngayon." ibinaling ko ang atensiyon ko sa mga bodyguards na kasama ko. "Kuya, napansin niyo po ba 'yung apat?" tanong ko sa kanila.


"Sinabi po ni Sir Henz na didiretso na daw po sila sa kwarto muna. Doon daw po sa pangalawang room sa second floor." sagot ni Kuya Mike.


"Ay sige po. Salamat." muli ay ibinaling ko ang atensiyon ko kay Tanya. "Tanya, akyat muna ako ah?" paalam ko dito.


"Sige lang. Hindi pa naman nakaayos 'to. Pahinga na lang muna kayo. Tatawagin na lang kayo mamaya." sagot naman nito kaya ngumiti ako bilang sagot at dumiretso na sa taas.


Hindi nakalock ang pinto kaya pumasok na ako kaagad at nakita silang lahat na nakahiga at nakaharap sa kani-kanilang cellphone.


"Stop acting like some Princes here. Tumulong tayo sa pag-aayos sa baba." sita ko sa kanila. They are used to being "the boss" and now is not the time for them to be one dahil wala namang utusan dito ngayon.


"Sshh. Help them if you want." napaikot na lang ang mga mata ko dahil sa ugali ni Harvey. Kahit kailan talaga, he acts as if he's the boss kaya kahit kailan, hindi na kami nagkasundo.


"Well, magkulong ka na lang dito sa kwarto hanggang bukas. We don't need that KJ attitude of yours in this bonding. Bakit ba kasi sumama ka pa in the first place?" pagtataray ko dito at inilapag ko na ang bag ko sa bakanteng kama. "Kung gusto niyong tumulong, sumunod na lang kayo." sabi ko sa kanila at lumabas na ng kwarto.


"Mga kuya, I'll be safe here. Dito na lang po kayo sa kwarto." bilin ko sa mga bodyguards ko bago tuluyang bumaba.


Pagkababa ko ay dumiretso ako sa mga nag-iihaw. Amoy pa lang ng mga iniihaw nila ay natatakam na ako. 


"Hi Ivan." bati ni Brian nang mapansin ako.


"Anong maitutulong ko dito?" tanong ko sa kanya. Nagpapaypay siya ngayon ng mga iniihaw which is really surprising because he was like that prince charming that you don't expect to know things like this. 


"Actually, matatapos na rin kami eh. Puntahan mo na lang sila Tanya doon. They are actually having fun now." turo niya sa pwesto nila Tanya na nagkakantahan na. Madami silang nagkakantahan ngayon at makikita mong nagkakasayahan na talaga kaya natuwa ako.


"Okay." sagot ko dito at nagpunta na sa pwesto nila Tanya.


"So okay. This song is dedicated to that someone na napakamanhid. Wooh!" nagtawanan kaming lahat nang sabihin iyon ni Samantha na alam ng halos lahat na may gusto kay Mike na may gusto namang iba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Mike na nagugustuhan siya ni Samantha dahil nakabaling lang ang atensiyon niya sa 'special girl' daw sa puso niya. Well, as far as I know, wala naman siyang girlfriend so baka he likes that girl secretly rin.


Samantha started singing Ako Na Lang by Zia Quizon.



Habang kumakanta siya ay dumating naman sina Hero, Hoven at Henz. Like what I expected, hindi talaga bumaba si Harvey and it's fine with me kaysa ipakita niyang napipilitan lang siya to join the crowd.


"Ang sungit mo kanina ah." biro ni Henz pagkalapit sa akin.


"Ang attitude kasi niya." sagot ko at natawa na lang dahil nakakatawa naman talaga ang pag-aattitude ko kanina.


"Nako Ivan, bakit naman terno kayo ng damit ni Hero?" pansin ni Johannah sa amin. Doon ko lang napansin na bagay nga ang mga damit namin. He was wearing a light blue sando paired with a dark blue board shorts. Napansin ko din na iba naman ang damit nila Henz kaya talagang kami lang ni Hero ang magkapareho.


"Ang issue, Johannah ah." sita ko dito at nagtawanan kaming lahat dahil alam naman nilang magkaibigan lang talaga kami ni Hero.


"Kapag kayo talaga nagkatuluyan, hindi na ako magtataka." dagdag pa nitong pang-aasar.


"'Wag niyo ngang inaasar si Ivan." nagulat kami nang akbayan akong bigla ni Hero at pagalitan sila. "Baka ma-fall talaga eh." biro nito kaya siniko ko siya sa may tagiliran.


"Alam mo, Hero, kung ikaw naman talaga 'yung nafa-fall, aminin mo na. Lagi mo akong inaasar eh." pagsakay ko sa biro nito.


"Kung oo, sasaluhin mo ba ako?"

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon