Chapter 34

1.3K 44 0
                                    

Napansin yata ni coach na wala sa mood si Hoven ngayon kaya't ako ang nilagay niya sa first six sa set 2. Hindi pa ulit bumabalik sa dati ang laro ko dahil kinakapa ko rin bawat kilos ko ngunit masasabi ko namang kahit papaano'y nakatulong ako upang manalo ang team namin. Nakakuha ako ng twelve points ngayon samantalang si Hero naman ang nakakuha ng player of the game dahil naka-sixteen points siya at maayos na floor defense din ang ipinakita niya.

"Gusto mo ng kausap?" Sinasadya kong tumabi ngayon kay Hoven dahil nararamdaman kong kailangan niya ng makakausap. Halos sa likod na siya ng bus pumwesto kaya alam kong umiiwas siya ngunit hindi rin kaya ng konsensya kong hayaan siyang ganito.

"Sorry, Ivan." Nagtaka ako dahil hindi naman niya ako nasigawan o naaway ngayong araw ngunit sa akin pa siya nagsorry.

"Kasi?" Tanong ko.

"I acted rude the entire match. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko kaya sorry talaga." I can hear in his voice na seryoso talaga siya sa pagsosorry at hindi lang dahil napipilitan siya.

"If there's someone na dapat mong hingan ng tawad, si Henz 'yon." Diretsang sabi ko rito. "Sinigawan mo 'yung kapatid mo and I guess hindi naman deserve ni Henz 'yon."

"I know. Sorry talaga."

"Bakit ba kasi bad mood ka ngayon?" Hindi ko na napigilang itanong.

"Alam kong napaka-immature pero kasi nagseselos ako kay Henz." Pag-amin nito.

"Selos kasi?"

"Kasi ang sweet niyo palagi." Pag-amin niya nito ay yumuko siya. "Sa training, gusto mo siyang kasama lagi when in fact, tayo naman dapat ang magkasama kasi tayo 'yung magkadiagonal sa rotation. Sa ospital, lagi ko kayong nakikitang naglolokohan pero kapag dumadating ako, nagbabago mood mo kaya feeling ko, ayaw mo na akong kasama. Kanina sa game, ako 'yung pinakamalapit noong nakascore ka pero tumakbo ka papalapit kay Henz tapos nagyakap pa kayo. There, I lost it. Naiinggit ako kay Henz kasi ginagawa mo sa kanya 'yung mga bagay na gusto kong ginagawa mo sa akin." Nagulat ako sa dami niyang nasabi. All this time, ako pala ang rason kung bakit bigla na lang nagbago ang mood niya sa game kanina.

"Sorry, Hoven." Gusto ko siyang yakapin ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko siyang bigyan ng rason para umasa.

"No! Sorry, Ivan. Sobrang immature ko. Don't blame yourself kasi wala ka namang ginagawang mali." Tinapik niya ako sa balikat upang kumbinsihin akong ayos lang ang lahat.

"Sorry kasi I was being unfair to you." Pagpupumilit ko pa rin. "Simula kasi noong umamin ka sa akin, hindi ko na maiwasang umiwas sa 'yo."

"Kasi ayaw mo sa akin?" May halong pait sa boses niya nang itanong iyon.

"Hoven, alam mong mahal na mahal ko kayong magkakapatid. Kulang na nga lang yatang maging kapatid niyo na rin ako dahil mula bata magkakasama na tayo. Pero Hoven, ayaw kasi kitang paasahin. Ayaw kong masaktan ka dahil sa akin kaya ayaw kitang bigyan ng rason para ma-fall lalo." Pag-amin ko rito. Maganda na nga yatang ngayon pa lang ay umamin na ako sa kanya upang maiwasan niya nang mahulog pa lalo.

"Ivan, hindi naman ako umaasa. Ang gusto ko lang sana, wag mo akong iwasan dahil alam mong gusto kita. Sana ganoon pa rin ang turing mo sa akin gaya noon kasi mas sumasakit lang kapag umiiwas ka." Nginitian niya ako ngunit bakas sa mukha niyang nasasaktan talaga siya dahil sa nangyayari sa aming dalawa. "Sige na, Ivan. Kahit hindi na maging tayo. Hayaan mo lang na mahalin kita kasi hindi ko rin naman alam paano itigil to."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon