Chapter 19

3.1K 90 0
                                    

Pagkatapos namin sa basic training ay dumiretso na kami sa magkabilang dulo na ng court upang i-practice naman ang service. Ako ang may hawak ngayon at naghihintay naman si Hero sa kabilang bahagi ng court para i-receive ang bola kaya't sinimulan ko nang ihagis ang bola sa ere at hampasin iyon. Nareceive naman iyon ni Hero at ngayo'y siya naman ang pumunta sa service area at ako naman ang humanda para magreceive.


"Ivan, punta ka muna sa corner. Susubukan ko kung kaya kong isakto." sabi nito kaya't pumunta ako sa may dulo ng zone 1 at pinosisyon ang sarili upang i-receive ang service niya. Kadalasang mabilis ang mga service ni Hero kaya't dapat talaga ay alerto ka dahil kung hindi, siguradong hindi mo makokontrol ang bola. 


Natuwa naman ako dahil nang iwasan ko ang bola ay saktong-sakto ang pagkakabagsak noon sa may dulo ng court. Aaminin ko, napakahirap kontrolin na sumakto doon ang pagkabagsak ng bola at alam kong dapat ko pang i-improve ang aking service dahil puro safe serves at jump serves pa lang ang kaya kong gawin.


"Ivan, nakatingin sa 'yo si coach. Nakita yatang hindi mo ni-receive 'yung bola." halos pabulong na sabi ni Paulo sa akin kaya naman napatingin ako kay coach at napailing na lang ito sa ginawa ko. Nahihiya akong ngumiti dito pabalik at sumenyas naman ito na bumalik na kami sa training.


Paulit-ulit lang na serve at receive ang ginawa namin hanggang sa pumito na si coach at sumenyas na magwater break muna kami. Lumapit na ako sa bench upang kunin ang bote ko sa bag ngunit inabot na kaagad iyon sa akin ni Snow.


"Ivan, anong pangalan n'ong lalaki na bumulong sa 'yo kanina?" tanong nito. Binigyan ko siya ng mapang-asar na tingin pagkatanong niya noon.


"So, you're into athletic guys pala? Kaya pala ang daming nanligaw sa 'yo noong high school pero wala kang sinagot ni isa." pambibiro ko dito.


"Alam mo, just forget that." pagbawi nito sa sinabi dahil alam niyang iyon na ang magiging pang-asar namin sa kanya.


"Paulo. His name is Paulo." sagot ko dito at ibinalik na ang bote ko. Sinenyasan ko na silang babalik na ako sa pagpapractice dahil spiking at blocking naman ang ipapractice namin.


Sa pagkakataong ito, tatlo dapat ang magkakapareha. Dalawa para sa blocking at isa namang hahampas ng bola. Nakahanda naman ang mga libero sa likod ng mga blockers at sa spiker upang i-practice din ang kanilang coverage.


"Sama ako sa inyo ni Hero." sabi ni Pau pagkatapos niyang uminom. Napatingin naman ako kaagad kay Snow pagkasabi niya noon at tinignan lang ako nito nang masama kaya natawa ako nang bahagya.


Sinimulan na namin ang practice. Ako ang unang hahampas ng bola kaya't hinagis ko na ang bola sa setter namin. Sakto naman iyon sa akin kaya't hinampas ko nang malakas para makalagpas kay Pau at Hero pero matibay ang block nilang iyon kaya't bumalik ang bola sa amin pero nag-outside iyon.


"Nice block." puri ko sa dalawa. 


Ngayon nama'y nagpalitan kami ni Hero upang siya naman ang magspike at ako naman ang magblock kasama ni Paulo.


Paulit-ulit lang na ganoon ang ginawa namin hanggang sa matapos na ang training.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now