Chapter 31

1.6K 51 1
                                    

"Are you sure na pwede ka nang maglaro?" Tanong ni Henz habang nagwawarm-up kaming dalawa. Kakatapos lang ng game nila at may game kami kaagad bukas kaya naman kahit pagod ay kailangan talaga nilang mag-ensayo.

"Ang kulit niyo talaga. Sinabing okay na nga ako. Pumayag na rin 'yung therapist kong maglaro na ako. Ayaw mo bang maexperience ko ring manalo?" Sa dalawang laban na hindi ako nakapaglaro ay nanalo sila kaya't naeexcite na akong maglaro ulit kasama sila.

"Nanalo lang naman kami because we are fighting for you." Singit ng papalapit na si Hoven. "And now that you're back, alam naman naming mas mataas na ang tiyansang manalo tayo kaya masaya kaming bumalik ka na." Dagdag pa niya.

"Pero siyempre, ingat pa rin talaga. Paano kung napuruhan ka noon?" Magkahalong pag-aalala at inis na paalala ni Hero. "Kapag crucial ball hayaan mo nang mapunta sa kanila 'yung puntos. Aanhin natin 'yang one point na 'yan kung magkakainjury ka naman?"

"Oo na nga." Sagot ko na lang upang hindi na humaba ang usapan namin. "Pwede niyo na ba kaming iwan ni Henz ulit? Nagwawarm-up kaming dalawa dito kaya magwarm-up kayo ng inyo."

"Nakatingin na si coach sa inyo. Baka ma-one man kayo bahala kayo dyan." Pagsuporta naman ni Henz sa akin.

"Fine. Henz, ikaw na bahala diyan kay Ivan." Bilin ni Hoven bago sila tuluyang lumayo at magwarm-up.

Bumalik na rin kami sa pagwawarm-up at pagkatapos ay nagsimula nang magtraining. Maayos naming nagagawa ang mga drills kaya naman mabilis kaming natapos.

"Henz, turuan mo nga ako paano magblock." Pakiusap ko dito habang nagpapahinga kami sa gilid.

"Aba? Gusto mo talagang maging rookie of the year 'no?" Biro nito sa akin kaya nahampas ko siya.

"Sira ka. Siyempre gusto ko rin namang makatulong sa inyo kapag nagbablock kayo. Hindi naman ako sobrang matangkad kaya kailangan talagang tama gawin ko para makablock." Paliwanag ko dito.

"Well, malaking factor din naman ang height pero for me, pinakaimportante talaga is timing." Paliwanag nito.

"Paano mo malalaman if magbablock ka na?"

"Kapag nakakapikon na siya, iblock mo na." Pagbibiro nito kaya muli ko siyang nahampas.

"'Yung totoong sagot kasi!"

"Kidding aside, hindi ko rin kasi alam eh. Basta dapat lagi kang nakabantay sa setter. Defend your zone. Kapag nagset na siya, dapat mong sundan kung saan niya ihahagis 'yong bola. If it's a fast set, dapat mabilis din bilang mo. If it's a slow set, dapat mabagal din bilang mo. Hinihintay kong maunang tumalon 'yung spiker kaysa sa akin, eh. Pero para mablock mo siya, dapat nakatapat ka sa dominant hand niya. Chances are tatama talaga sa kamay mo 'yung palo niya and kahit hindi ka makablock, mapapabagal mo naman 'yung bola so madali nang icover ng mga kakampi mo." Kulang na lang ay mapanganga ako dahil sa dami nang nalaman ko sa sinabi niya. "Gusto mo i-try natin kila Hero?" Tanong niya na nakapagpaexcite sa akin. Sana lang talaga ay maiapply ko 'yung tinuro niya sa akin kung paanong magblock.

"Tara."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon