Chapter 10

4.8K 151 9
                                    

Nagising ako dahil sa sabay-sabay na pagtunog ng dalawang cellphone at ng alarm clock ko. Napabuga ako nang malakas bago bumangon. Ngayon na ang try-outs ng volleyball team ng Redskull at gusto ko na talagang makapasok dito. Hindi ko nararamdaman ang masyadong kaba dahil pagdating sa volleyball, kami ang nasa pinakaibabang bahagi ng ranking kaya walang masyadong pressure sa akin ang pagtry-outs.


Sinimulan ko ang araw ko sa stretching. Kailangan kong banatin lahat ng muscles na meron ako upang hindi ako mabigla mamaya. Sinabi kasi sa akin ni Hoven na nangyari na raw sa kanyang mabigla ang mga muscles. Sa unang-araw ay hindi pa raw mararamdamang sumasakit ang mga hita at mga braso pero pagkagising daw niya kinabukasan ay halos hindi na siya makalakad. Sinabihan niya rin akong kumain ng heavy meal bago umalis ng bahay dahil mahihilo raw ako kaagad kung hindi kaya't sinabihan ko ang mga katulong namin kahapon na maghanda nang ganito kaaga. 


Nang matapos akong magstretching ay naisipan kong kumain na.


"Sorry po talaga ah. Salamat po." sabi ko sa katulong namin habang inilalapag niya ang mga pagkain sa lamesa.


"Ayos lang po talaga sir." sagot nito at ngumiti sa akin upang ipakitang ayos lang talaga sa kanya. Nginitian ko na lang ito pabalik at sinimulan nang kumain. 


Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong naligo. 7 am ang call time namin at mag-aalas sais na ngayon kaya't mas binilisan ko pa ang kilos ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Isinuot ko ang kulay pulang tshirt ko at isang komportableng shorts para mas makakilos nang maayos. Nagrubber shoes na ako at nagmamadaling bumaba upang magpahatid sa driver namin.


Nagulat ako nang pagkababa ko ay nandoon na sina Hero.


"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila. Akala ko ay mauuna na sila papunta doon pero hinintay pa rin nila ako. Nagulat din ako nang makita kong nakasuot din ng komportableng damit si Hero.


"Wala bang good morning muna? Masyado kang tensed. Relax." pagpapakalma nito sa akin.


"Bakit ganyan ang suot mo? Don't tell me na magtatry-outs ka rin." 


"Surprise! Ayaw mo noon? May kasama kang magtry-outs." natahimik na lang ako dahil doon. Akala ko ay manonood lang sila sa akin. Hindi ko inexpect na magtatry-outs din pala siya.


"Bahala na nga. Tara na. Malelate na tayo." mabuti na lang din at pumunta sila dito. Ibig sabihin ay hindi ko na pala kailangang magpahatid pa sa driver namin.


Nang makarating sa sasakyan nila ay nakita kong nakahanda rin sina Hoven at Henz sa kani-kanilang mga damit. 


"Good morning." bati ni Henz sa akin.


"Good morning." bati ko rin naman sa kanila.


"Kumain ka ba? Nagstretching ka ba?" magkasunod na tanong ni Hoven sa akin.


"Opo. Nakinig naman po ako sa 'yo." sagot ko rito.


"Good." sagot nito at isinuot na ang kanyang headphone. Sumandal na ito at natulog na.


"Hindi mo naman ako sinabihang magtatry-outs din pala kayo." baling ko kay Hero.


"Well, naisip kasi naming it's a good idea na may gawin as a student. Baka kasi nakatambay lang kami sa dorm tapos ikaw busy sa training so maiinggit kami kasi busy ka." paliwanag niya.


"Anong nakakainggit sa busy?" nagtataka kong tanong dito.


"Someway, somehow, nakakainggit naman talaga. I mean, siyempre if that's the case, wala kaming gagawin buong magdamag tapos ikaw napakaproductive ng araw mo. Nakakainggit kaya 'yun." paliwanag niyang muli at tumango-tango na lang ako doon.


"Anong position mo, Ivan?" tanong ni Henz.


"Pwede akong middle, libero o kaya open." sagot ko rito. Actually, hindi pa talaga ako nakakapagdesisyon kung anong posisyon ang kukunin ko dahil kahit saan naman talaga ay ayos lang ako.


"Mag-open ka na lang. Kasi kung middle ka, hindi ka makakapagreceive. Kung libero ka, hindi ka makakapagblock. And if that's the purpose kung bakit gusto mong maging middle at libero, then mag-open ka na lang." suhestiyon ni Henz.


"Pero kasi, kapag open naman ako, ako 'yung pupuntahan kapag crucial times. Siyempre pressure 'yun sobra." paliwanag ko rito.


"You're doubting yourself? Alam mo, kakayanin mo naman eh. Nakita ko na kung paano ka maglaro and I could say na kaya mo talagang maging main scorer." pagpipilit ni Henz sa akin.


"It might be the hardest position pero naniniwala akong wala nang mas babagay pa doon maliban sa 'yo." singit naman ni Hero.


Siguro nga, dapat ay mag-open spiker na lang ako.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now