Chapter 27

2.6K 80 2
                                    

A/N: Ang sakit sa puso na sa last update ko, hindi nakapasok si Franco sa team. And recently, namatay naman si Franco na pinagkunan ko ng pangalan na yun. Sobrang lungkot lang.


Sorry for the late update.

----------


Sobra kaming nagtraining para sa simula ng volleyball season. Lahat kami, naghahangad na sana ay makapasok man lang sa final four ang team namin. Bonus na lang kung kami pa ang magchampion.


"We don't need to feel threatened. We have prepared for this game so let's just give our best." pagpapalakas ni River ng loob namin. Aaminin kong sobra ang nakakakaba pero mas lamang ang excitement ko para sa first game ko bilang player ng university namin. 


Nagsimula na kaming magwarm up. Habang tumatagal ay mas lumalakas pa ang kabog ng dibdib ko pero alam kong kakayanin ko naman ito. 


"Kapag ako 'yung nag-set, abangan mo na agad bola, ha? Mas magandang quick kagaya sa practice." pagpaplano ni Hero na katabi ko ngayong nagwawarm-up.


"Basta nasa porma ako, ha? Baka naman i-quick mo nang malayo ako." pagpapaalala ko dito. 


"Basta akong bahala sa'yo." sabi nito sabay kindat pa. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung lakas ng loob niyang magbiro pa ngayon dahil sobrang kinakabahan na ako. "Relax lang. Kaya natin 'to, okay?" ngumiti siya nang bahagya para pagaanin ang loob ko.


"Salamat." 


-----


Maya-maya lang ay nagsimula na ang laro. Kasama ako sa first six ng team namin. Nakakatawa namang tatlong Ricaforte ang kasama ko sa court at dahil lahat sila ay H ang simula ng pangalan, tigtatatlong letra ang nilagay sa jersey nila. Ricaforte, Hov., Ricaforte, Hen., at Ricaforte, Her.


Nagsimula ang laban sa service ni River. Malakas iyon gaya ng lagi niyang ginagawa ngunit nasalo iyon ng kalaban. Dahil nasa unahan ako ngayon, inabangan ko na kung saan dadalhin ang bola upang maiblock ito kung sakali. Saktong sa harap ko ibinigay ang bola kaya tumalon na ako ngunit pinatama ng spiker sa kamay ko ang bola at hindi ko iyon na-control kaya napalabas ito. Napailing na lang ako dahil doon.


"Sorry." pag-angkin ko ng kasalanan. Nakita ko naman si Hoven na umiling upang sabihin sa aking hindi ko kasalanan iyon.


Nakapuntos pa ng tatlong sunod ang kalaban kaya naging 0-4 ang score namin. Lahat ng iyon ay galing sa akin. Isang spike pa ulit na pinatama sa kamay ko at dalawang block sa mga hampas ko kaya nakascore sila. Tumawag ng time-out si coach kaya naglapitan kaming lahat doon.


"That's not how you played during our practice. Come on? Let's stop their momentum as early as now." may tonong inis sa boses niya. Sobrang nakonsensya ako kasi alam kong ako 'yung tinutukoy niya sa sinabi niyang iyon.


Nakita kong bumulong si Hero kay River. Parang ginanahan ako nang isipin kong iyon na ang quick set na ibibigay niya sa akin kaya gumaan ang pakiramdam ko.


Tama nga ang hinala ko dahil si River ang nagreceive ng serve ng kalaban ngayon at diretso kay Hero ang bola. Binilisan ko ang pagtalon at hinampas nang malakas ang bola sa kamay ng kalaban upang makabawi sa kanina pa nilang ginagawa sa akin.


Doon, nakuha namin ang pinakaunang puntos ng laban.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now