Chapter 15

3.7K 116 0
                                    

Sobrang saya namin dahil natalo namin lahat ng mga nakalaban namin. Hindi ko alam kung papaano namin natapos dahil sobrang nakakapagod talaga ang araw na ito. At dahil nanalo kami, lahat ng miyembro ng team namin ay awtomatiko nang kasali sa varsity. Sa summer training na daw malalaman kung sino ang makakapasok sa team A at kung sino naman ang mapapasama sa team B. Maliban pa doon, pinili rin nila kung sino-sino ang sa tingin nilang magagaling sa mga natalo naming team. Hindi pa siguradong pasok sila sa varsity team at kailangan nilang patunayan ang sarili nila sa summer training na magsisimula sa huling linggo ng April.


Masaya ako dahil makakasama namin ni Hero sa training sina Hoven at Henz at sana'y makapasok rin sila. 


"Finally." sabi ni Hero na parang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay dumating na rin ang order namin. Inabot kami ng alas dos sa try-outs kaya sobrang gutom na talaga kami. Mabuti na lang talaga ay bumili si Henz ng makakaing biskwit tuwing break namin kanina dahil kung hindi, baka nahimatay na ako doon sa gutom.


Nakakatawa dahil nang magsimula kaming kumain ay wala nang nagsalita sa amin. Lahat ng atensiyon namin ay napunta na sa pagkain.


"Sa summer training, lilipat ka na ba sa dorm?" tanong ni Hoven pagkatapos naming kumain. 


"Sana." sagot ko rito. "Magiging hassle naman kasi kung sakaling hindi. Besides, nakakapagod magtraining kaya maganda na ring malapit lang 'yung uuwian para makapagpahinga kaagad." dagdag ko pa.


"Ang tanong, papayagan ka kaya ni Ninang?" tanong ni Hero. Actually, hindi ko rin alam pero sana maintindihan niya na kailangan ko na. 


"Hopefully." maiksing sagot ko rito. Hopefully, i-consider niyang sobrang hirap kung sakaling hindi ako nakadorm kapag nagtraining na kami.


Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami kaagad. Lahat kami'y natulog sa biyahe dahil sa sobrang pagod. Nararamdaman ko na rin ang pananakit ng hita ko maging ng aking balikat.


Nagising na lang ako nang nasa tapat na kami ng bahay. Agad naming ipinagtaka kung bakit ang daming sasakyan sa labas ng bahay namin.


"Nandoon 'yung sasakyan ni Dada oh." turo ni Henz sa sasakyan ni Ninong Hans.


"Sumama na lang kayo sa akin. For sure, papabalikin naman kayo ni Ninong Hans dito kaya pumasok na tayo." yaya ko sa kanila. Nagsibabaan na kaming lahat para pumasok na sa bahay namin. Mga hindi pamilyar na sasakyan ang nakita ko kaya't nagtataka ako kung sino kaya ang bisita sa bahay namin ngayon.


Pagkapasok namin ay nakita namin ang napakaraming tao. They all greeted us with smiles on their faces. If I were to judge, mukhang ka-edaran lang sila ng mga magulang namin and there are some guys na mukha namang ka-edaran namin.


"Hi Ivan." bati sa akin ni Snow nang makita ako. Agad naman akong lumapit dito upang yakapin siya dahil matagal na rin nang huli kaming magkita. 


"Kumusta? I've heard you're really doing good." Sinabi sa akin ni mommy na siya daw ang salutatorian ng batch nila. I wasn't surprised at all dahil mga bata pa lang kami, matalino na talaga siya.


"Ikaw nga diyan sumali sa varsity eh. So, how was your try-outs?" napailing na lang ako dahil ang bilis talagang malaman lahat ng mga nangyayari kapag nagsama-sama sila mommy.


"To make the long story short, nakapasok kami sa varsity."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon