Chapter 26

2.9K 84 5
                                    

Ngayong araw na sasabihin kung sino ang mga nakasama sa team a at team b. Sa totoo lang, nasa gitna ako ng sobrang confident dahil maayos naman ang nilaro ko sa training namin at sa paniniwalang madami ring deserving mapasama sa team a ngayon dahil magagaling ang mga nakasama ko.


"Kinakabahan ka 'no?" tanong ni Hero na kasama ko ngayong kumakain. 


"Medyo." totoong sagot ko dito. Kahit naman magsinungaling ako sa kanya, alam kong malalaman niya kaagad dahil kilalang-kilala na niya ako. 


"Malaki ang tiwala kong mapapasama ka sa team. Laking kawalan lang nila kapag pinakawalan ka pa nila." rinig ko sa boses ni Hero na pinipilit niyang pagaanin ang loob ko.


"Palibhasa kasi, malaki ang posibilidad na makuha ka. Mas malaking kawalan kapag ikaw naman 'yong hindi napili." pagbabalik ko dito. Isa si Hero sa may pinakamataas na tiyansang makapasok sa team a dahil sobrang galing niyang utility spiker. 


"Hindi ko naman ma-eenjoy 'yon kapag hindi kita kasama." dahil sa sinabi niyang iyon ay natigilan ako. Pagkatapos umamin sa akin ni Hoven ay hindi ko na rin maiwasang mag-isip na ang mga ganitong klaseng salita ay nangangahulugan na may gusto sa akin ang isang tao. Takang-taka naman akong tinignan ni Hero na napansin yatang natigilan ako. "Siyempre. Best friend kita. Mas gusto kong kasama ka kapag makakapasok ako." 


---------


Nagkumpulan kami sa harap ni coach upang pakinggan kung sino ang mga nakapasok sa team a at team b. 


"Hindi ko na 'to papatagalin. Here are the names of the people who will join the men's volleyball team a." halos lahat ay napaayos ng upo nang ganoon kaagad ang bungad sa amin ni coach. "For the setter position, no doubt, it will be River Ignacio." hindi naman na kami nagulat sa inanunsiyong iyon dahil talaga namang dapat makapasok si River. "Our back-up setter who will play as our utility spiker is Hero Ricaforte." nagkatinginan kami ni Hero nang sabihin iyon. Napangiti ako dahil sobrang deserve niya talagang makapasok sa team. "There are four people who made it as our middle blockers." pagkasabi niya noon ay alam ko nang siguradong makakapasok si Henz kaya't tinignan ko ito. Parang alam niya nang makakapasok siya dahil napakalawak na ng pagkakangiti niya ngayon. "Charles, Paulo, Henz, and Rico, kayo ang nakapasok." nagpalakpakan kami nang sabihin na iyon. Hindi naman kaduda-duda na sila ang nakapasok dahil sobrang solid ng mga blocks nila kaya nahihirapan kaming ilusot ang bola minsan. "For our spikers, lima naman ang nakapasok sa team a. They are James, Ivan, Hoven, Michael and Francis." pagkarinig ko ng pangalan ko ay nakahinga na ako nang maluwag. Mabuti na lang at nakapasok ako at makakasama sa mga laro ng team. "Lastly, for the libero, we have two. Raymond and Jay-ar."


Napatingin ako kay Franco nang hindi siya matawag. Pumapalakpak siya at nakangiti pero alam kong sobrang lungkot niya dahil sa team namin noong nagtry-outs, siya lang ang hindi nakapasok.


"So basically, maraming incoming freshmen na nakapasok sa team. That means we will be on our rebuilding stage. I expect you guys to work hand in hand dahil mahirap ang pagdadaanan natin lalo na't si Michael, Raymond at Jay-ar lang ang seniors sa inyo." 

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon