Chapter 40

1.4K 50 6
                                    

Imbis na lumayo ay pumasok kaming muli sa mall upang mamasyal. Hindi ako nagsasalita dahil gusto niya raw pumasyal kasama ako. Hindi na rin ako tumanggi because if this is a way para makabawi ako sa kanya, I would gladly take the opportunity to do so.

"Remember this place?" Tanong niya nang matapat kami sa isang amusement park.

"Siyempre." Natatawa kong sagot rito. "Hindi ako pumapayag na umuwi hangga't hindi tayo nakakapaglaro dito."

"Ang lakas nga ng iyak mo n'ong sinabi ni Tita Ice na hindi talaga pwede kasi aattend tayo sa birthday ni Rose, eh." Natatawa rin niyang kwento. "Tumatakbo kang lumapit sa akin noon. Mabuti na lang may dala akong lollipop which made you stop crying."

"It was you?"

"I told you. It was all me." Ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti si Harvey sa akin nang ganito. "Gusto mong maglaro tayo sa loob?" Tanong nito.

"Ang tanda na natin para pumasok dyan." Pagtanggi ko rito.

"I want you to remember how we enjoyed each other's company when we were young. Please, Ivan?" Muli kong naalalang bumabawi ako sa kanya kaya't kahit nakakahiya mang isipin, napapayag niya ako sa gusto niya.

Bumili siya ng 400 pesos worth of tokens kaya naman pinandilatan ko siya dahil sobrang dami noon.

"Trust me. It's just enough for the both of us." Taas-babang kilay na sabi nito. "We'll take those rides just like before." Pagkaturo niya sa mga rides ay agad akong umiling sa kanya.

"You know how afraid I am of heights, right?" Paalala ko sa kanya.

"I am your hero, remember?" Kagaya ng ginagawa niya noong mga bata pa kami ay inalok niya sa akin ang kamay niya upang hawakan ko't masigurong siya ang bahala sa akin. Something that Hero never did kaya naman napatunayan kong si Harvey nga talaga ang best friend ko noon.

"You are my Harvey, not Hero." Hinawakan ko na ang kamay niya at nagsimula nang maglakad.

Una naming sinakyan ang ferris wheel. Aaminin kong kinakabahan pa rin ako dahil habang humihinto iyon at nagsasakay ay hindi ko maiwasang matakot.

"Relax, Ivan. Nandito lang ako." Nginitian niya ako gaya ng pagngiti nila Henz sa akin kaya't naramdaman ko ang sinseridad niya sa sinabi niyang iyon. Doon ko napansing maitim ang labi nito kung ikukumpara kila Hero.

"Harvey, gaano ka na katagal nagsisigarilyo?" I asked out of nowhere. Maging siya ay nagtaka kung bakit ko iyon natanong.

"Everytime that I don't like what I'm feeling, dinadaan ko na lang sa sigarilyo. Hindi ko na rin alam kailan nagsimula eh." Kwento nito. "Why, Ivan? Ayaw mo bang nagsisigarilyo ako?" Balik nito ng tanong sa akin.

"Hindi naman sa ayaw ko, Harvey. Pero paano 'yung health mo? Your lips are darker kumpara kila Hoven. Maganda sigurong tigilan mo na kakasigarilyo mo." Hindi rin magandang umaga pa lang, nagsisigarilyo na siya dahil lang ayaw niya ng nararamdaman niya.

"I won't promise you anything, Ivan. But I'll try. For you, I'll try." Muli ay nginitian niya ako. Ibang-iba sa Harvey na kinaiinisan ko noon ang kaharap ko ngayon.

"I can't promise you din na babalik tayo sa pagiging magbestfriend but I will treat you differently now the best way I know how." Nagpinky promise ako sa kanya na tinanggap naman nito.

"I want you to know na ngayon na lang ulit ako naging masaya. Salamat, Ivan. Hayaan mo sana akong mahalin ka kasi iyon ang totoo sa sarili ko." Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.

"Harvey, I don't want to hurt you again. Please, wag mo na lang akong mahalin. Kaya kitang mahalin pero bilang kaibigan lang."

"I will accept the love that you can give. Hindi naman ako humihiling na sana mahalin mo rin ako."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon