Chapter 32

1.5K 53 2
                                    

Hindi ako parte ng first six ngayon. Siyempre, naiintindihan ko kung bakit. Ayaw sumugal ni coach sa kalagayan ko kahit na nakausap na rin siya ng therapist namin na pwede na akong maglaro.

"In fairness kay Hoven, 'no? Ang bilis niyang nakapag-adjust sa position niya. From defensive OH, ang aggressive niya nang umatake ngayon kaya bagay siyang OH1 na kadiagonal ni Kuya Michael." Pansin ni Paulo kay Hoven.

"Pwede na akong magbench buong conference para makapagpahinga, 'no?" Biro ko dito.

"It's not what I meant. Sa totoo lang, with this showing, lalong magiging malakas force kapag ikaw na ulit OH1 kasi hindi na lang defensive OH si Hoven ngayon. Pwede kayong magpalitan kasi maganda rin naman depensa mo and ang taas ng chance na maging one-two punch kayo." Hindi ko alam kung pinupuri lang ako nito para hindi ako ma-offend sa sinabi niya kanina pero hindi naman talaga ako na-offend. Nakakagaan nga sa loob kasi alam kong kapag nagkulang ako, may papalit kaagad sa akin.

Nagservice error si Henz kaya naman nagpalit na sila ng libero. Imbis na umupo sa bench katabi ni coach ay lumapit ito sa amin.

"Sabi ni coach, magtanggal ka daw ng warmers kasi ipapasok ka daw niya para magservice specialist." Sabi nito sa akin.

"Huy! Bakit ako? Baka mag-error ako." Kinakabahan kong sabi dahil sobrang dikit ng laban kahit unang set pa lang. Baka ako pa ang magpamigay ng laban.

"Kaya 'yan, okay? Ako bahala sa unahan, ikaw bahala sa likod mamaya." Nginitian niya ako para pagaanin ang loob ko ngunit hindi talaga nakatulong dahil kinakabahan pa rin akong baka magkalat lang ako.

"Ikaw papalitan ko?" Tanong ko.

"Hindi sinabi ni coach, eh. Baka ako o baka si Charles. Parehas kaming nag-error, eh." Sagot niya. Tinignan na ako ni coach at tinawag kami papalapit sa pwesto niya kaya hinubad ko na ang warmers ko.

"Unti-untiin natin 'yang injury mo hanggang sa makapa mo kung kaya mo nang maglaro ulit." Bulong ng assistant coach namin pagkaupo ko sa bench. "Kapag dedepensa ka, doon ka lang muna sa zone mo. Hayaan mong si Hoven o si Michael ang maghabol kapag mahirap kunin 'yung bola para hindi mapwersa 'yang paa mo, okay? Kung okay talaga, sa set 3 baka magstart ka na." Sunod-sunod na bilin nito.

"Coach, hindi ako magpapromise nang maayos na performance, ha?" Pinangunahan ko na siya dahil alam ko sa sarili kong wala ako sa kondisyong maglaro ngayon nang nalaman kong hindi ako parte ng first six dahil akala ko'y hindi na ako maglalaro.

"No expectations, Ivan. Kakapain lang natin nang unti-unti 'yang laro mo." Nginitian niya ako para siguruhing hindi ko kailangang mapressure.

Sakto namang pagtawag sa akin para palitan si Charles. Sabay kaming pumasok ng court ni Henz at gumaan ang loob ko nang sabay-sabay akong chineer ng teammates ko.

"No pressure, Ivan." Sigaw ni Hoven na pinakamalapit sa akin ngayon.

Huminga ako nang malalim bago ihagis ang bola sa ere at hampasin iyon papunta sa kabilang bahagi ng court.

"Cover down the line, Ivan. Ako bahala dito sa likod." Sigaw ni Hoven kaya dumiretso ako sa likod ni River ngayon upang saluhin kung sakali mang ilaglag doon ang bola.

Inihagis ng setter sa gitna ang bola kaya't nagmamadali akong nag-adjust papunta sa gitna. Sakto namang hinampas papunta sa lugar ko ang bola kaya't nasalo ko ito ngunit lumagpas sa kabilang bahagi ng net ang pagsalo ko kaya't hinampas muli nila ang bola. Kinabahan ako dahil nilampasan ako ng bola kaya't akala ko'y hindi na iyon masasalo ngunit nandon si Hoven.

"Zone 5, Ivan!" Sigaw ni River kaya dali-dali akong umatras upang bumwelo dahil sa akin niya iyon ibibigay.

Nang ihagis na iyon ni River ay sinimulan ko nang mag-approach para hampasin iyon. Iniwasan ko ang blockers kaya't dinala ko ang bola sa zone 1. Nasalo iyon ng kalaban ngunit dahil nilakasan ko, hindi niya iyon nakontrol kaya't nakuha ko ang puntos na iyon.

"See? Sabi ko nang kakayanin mo, eh." Sabi ni Henz habang niyayakap ako.

"Tss." Mahinang bulong ni Hoven ngunit sapat na upang marinig ko.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon